Chapter 47
"Babe!" Nakailang katok na ako mula dito sa labas ng kanyang kwarto pero hindi pa rin nya ako pinagbubuksan ng pinto.
Huminga ako ng malalim at minabuting buksan na ito.
"Wendy?" Nang tuluyan akong nakapasok sa loob, bahagya akong natawa nang makita kong mahimbing pa rin ang tulog nya sa kanyang kama.
Lumakad ako palapit at naupo sa gilid ng kama. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na humaharang sa kanyang mukha.
Bahagya syang gumalaw at umungol pero nanatili pa ring tulog.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Umabot rin ng limang minuto na nasa ganoon akong posisyon na para bang wala akong ibang gustong gawin kundi ang titigan sya buong araw.
Hanggang sa unti-unti syang nagising at halata sa kanyang mga mata ang pagtataka nang makita nya ako. "J-Justine?"
Ngumiti ako sa kanya. "Good morning and I love you."
Wala naman syang reaksyon. Naupo sya at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Tumingin sya sa akin habang pinipilit na ayusin ang sarili. "A-Ano bang ginagawa mo dito?"
"Bawal ko na bang bisitahin ang girlfriend ko?"
Bahagya syang natawa at marahan akong hinampas sa braso. "Baliw ka. Ang ibig kong sabihin, bakit ganitong oras ka pumunta dito sa bahay? Alas-syete palang ng umaga oh."
"Kagabi pa nga kita gustong puntahan para makita eh. Kaya lang ayaw ko namang mapuyat ang girlfriend ko dahil sa pangungulit ko."
Napabuntong hininga sya. "Tsk. Nakakainis ka naman eh. Sana naman tinawagan mo nalang muna ako o kaya pinagising kay Ramona hindi yung basta-basta ka nalang napasok dito sa kwarto ko." Umiwas sya ng tingin na parang nahihiya. "Nakita mo tuloy ako kung paano ako matulog. N-Nakakahiya tuloy."
Hinawakan ko ang kamay nya. "Kapag mag-asawa na tayo, mukha mo na ang palaging una kong makikita sa umaga."
"K-Kahit pa."
Bahagya akong natawa. "At saka bakit ka mahihiya? Maganda ka naman kahit natutulog. Muntik na nga kitang gahasain eh."
Natawa sya at marahan akong kinurot. "Gago." Tumayo naman na sya. "Hintayin mo nalang ako doon sa sala. Maghihilamos lang ako saglit at mag-aayos ng sarili."
Nahiga ako sa kama nya. "Ayaw ko." Ngumiti ako sa kanya. "Dito lang ako. Gusto kitang panoorin."
"Tsk. Babe naman eh," inis nyang sabi. "Magpapalit din ako ng damit. Paano ako makakapagbihis kung nandito ka sa loob ng kwarto ko?"
"Edi pipikit ako kapag magbibihis ka na."
"Ayaw ko nga."
"Aish. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Eh kung sabihin ko sayong wala?" Natatawa nyang sabi.
"H-Hindi naman ako manyakis ah."
"Kahit pa noh. Lalaki ka pa rin. At saka hindi pa ito ang right time para ibuyangyang ko sayo ang katawan ko."
"O sige. Tatakpan ko nalang ng unan ang mukha ko para hindi kita makita." Inabot ko ang unan at agad itong tinakip sa aking mukha.
Pero inalis ito ni Wendy. "Justine naman. Wag ka na ngang makulit." Hinatak nya ako patayo sa kama.
"Aish. Dito nalang muna ako."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
