38. #Celebration

405 15 1
                                    

Chapter 38

Unti-unting namulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay.

"Ibaba nyo na ang mga gamit! Honey, nasaan na yung mga pasalubong natin kay nanay?" Tanong ni mama kay papa nang makababa sila ng van.

"Nandito na, bitbit ko na."

"General, kami na pong bahala dyan," sabi ni Mama Fe kay General Sandoval.

"Sige na, masyadong mabigat ito. Ako na ang bahalang magbitbit." Hinawakan ni General Sandoval ang kamay ng kanyang asawa at sumunod na sila kina mama papasok sa mansyon ni lola.

Napatingin sa akin si Mama Fe. "Justine, gisingin mo na yang girlfriend mo nang maayos na ninyo ang mga gamit nyo."

Napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Wendy na masarap pa rin ang tulog sa aking balikat.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Marahan kong kinalabit ang kanyang ilong. "Wendy.."

Hindi pa rin sya nagising.

Bahagya akong natawa at marahan na syang tinapik sa pisngi. "Wendy, gising na."

Unti-unti nyang minulat ang kanyang mga mata. "Justine?"

Ngumiti ako sa kanya.

Umayos naman na sya ng upo at nag-unat pa. "N-Nandito na ba tayo?"

Sumandal ako habang nakangiti at nakatingin sa kanya. "Nasa loob na silang lahat."

"T-Tara na pala kung ganun." Nauna syang bumaba ng van at kinuha ang kanyang gamit.

Bumaba na rin ako kaagad ng van at kinuha ang mga gamit sa kanya. "Ako na, ayaw kong nahihirapan ang girlfriend ko."

Bahagya syang natawa at napailing.

Ngumiti ako. "Tara na?"

Napangiti din sya at tumango.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at lumakad na kami papasok sa mansyon.
.
.
.
"N-Nagbakasyon kayo sa Batangas?" Tanong ni Janna.

Ngumiti ako sa kanya. "Para sa celebration ng birthday ni papa."
.
.
.
"Lola, sya po si Wendy. Umm... girlfriend ko po."

Natigilan si lola sa kanyang narinig. "G-Gelpren ba kamo?"

Bahagya akong natawa at tumango.

"Mano po," sabi ni Wendy na agad nagmano sa lola ko.

"Aba. Kay gandang bata naman are."

Natawa kaming lahat at kumapit si Wendy sa braso ko.

"Galing na po kami dito sa resort nyo noong nakaraang taon, kaya lang hindi ko pa po boyfriend noon si Justine."

"Kaya pala'y parang namumukhaan kita, hija."

Napangiti ako. "Anak po sya nina General Sandoval, lola."

Napatingin si lola kay General Sandoval.

Ngumiti si General Sandoval. "Kamusta na po kayo?"

"Maayos naman ang kalagayan ko. Mabuti naman at naisipan nyong bumalik dito sa resort."

"Naimbitahan lang ho kami ni Julio para sa birthday nya."

"Mabuti na nga lamang at dito naisipan ng anak ko na ipagdiwang ang kaarawan nya."

Nahinto kaming lahat nang dumating si Ramona. "Arrgg! Pagod na ako kakabitbit ng gamit ah!" Galit nitong sabi.

"At sino naman sya?" Tanong ni lola nang makita nya si Ramona. "Hija, hindi kami bibili ng paninda mong isda. Doon ka nalang muna magbenta sa ibang resort."

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon