19. #SheHelps

446 20 0
                                        

Chapter 19

"Sorry, sobrang traffic sa Katipunan."

"ALAS-DOS NG HAPON ANG USAPAN! KANINA PA AKO DITO NAGHIHINTAY!"
.
.
.
"Grabe, hindi ba sya napapaos kakasigaw sayo?" Sabi ni Janna.

"Hindi naman si Wendy yung sumigaw eh."

"Eh sino?"
.
.
.
"PALAGI NALANG BA TAYONG GANYAN?!" Sigaw ko kay Wendy.

"Traffic nga sabi sa Katipunan."

"WAALAAA AKOONG PAKIALAAAMM!"
.
.
.
Nanlaki ang mata ni Janna. "S-Sinigawan mo ang malditang kikay?"

Nag-smirk ako sa kanya. "Bilib ka na ba sa akin?"

"Edi natakot sya sayo?"

"Ahehe.. hindi."
.
.
.
"SINISIGAWAAAN MO BAA AKOO?!"

"H-Hindi. Ahehe.. B-Bakit ka kasi late?"

"TRAFFIC NGA SA KATIPUNAAANN!"

"Ahhh...okay. S-Sabagay, 30 minutes ka lang namang late eh. H-Hindi naman umabot ng isang oras. Ahehe... t-tara na?"

Hanggang sa bigla nya akong binatukan. "Umayos ka ng trato mo sa akin ha! Ako ang siga sa relasyon na ito, hindi ikaw!"

"S-Sabi ko nga eh. Ahehe.."
.
.
.
Napangiwi si Janna habang nakatingin sa akin. "Kalalaki mong tao, takot ka sa girlfriend." Tapos napailing sya.

"ANONG SABII MO?!" Sigaw ko sa kanya.

Napakunot ang kanyang noo.

"TAKOT AKO NOON SA GIRLFRIEND! PERO HINDI IBIG SABIHIN TAKOT NA RIN AKO SA ASAWAAA!"

Hanggang sa sinapok nya ako sa mukha. "Gago ka ah! Makasigaw ka dyan parang alipin mo ako ah!"

Napakamot ako sa ulo. "B-Biro lang eh."
.
.
.
"Umm...W-Wendy."

"Hmm?"

"K-Kailangan ba talaga nating gawin ito?"

Tumingin sya sa akin habang naghihintay kami. Napailing sya habang natatawa. "Natatakot ka? Duwag ka talaga."

"H-Hindi ako natatakot. Baka ikaw ang natatakot dyan."

"Hoy, hindi ako kasing duwag mo." Tapos inirapan nya ako.

"P-Pero bakit nga ba kasi natin kailangan gawin ito?"

"Gusto ko lang makaganti sa kanya sa ginawa nyang mga pambababae noong kami pa."

Napatingin ako sa kanya. "So manlalalaki ka?"

Bigla nya akong binatukan. "Anong tingin mo sa akin?! Malandi?!"

Napakamot naman ako sa ulo.

Hanggang sa nakita na namin ang aming hinihintay.

"Wendy?" Sambit ni Morgan habang hawak ng mga pulis.

Ngumiti naman si Wendy sa kanya.

"Sige na. Bilisan mo! Malapit nang matapos ang oras ng pagbisita!" Bulyaw ng isang pulis kay Morgan.

Inalis pa ng isang pulis ang kanyang posas at lumakad na si Morgan palapit sa amin.

"Ahehe... kamusta?" Tanong ko.

Bigla naman akong siniko ni Wendy at tiningnan ako ng matalim.
.
.
.
"Ano bang naisipan nyo at bumisita kayo doon sa Morgan na yun?" Tanong ni Janna.

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon