Chapter 23
Matapos kong maligo, nakatapis lang ako nang tuwalya nang lumabas ako sa banyo.
Humarap ako sa salamin at inabot ang hair wax na kabibili ko lang. Pinagmasdan ko sa salamin ang style ng aking buhok.
"Tsk. Ang pangit."
Nakailang beses ko pang binago ang ayos ng buhok ko para hanapin kung ano ang babagay sa akin, hanggang sa natyempuhan ko rin ang style na bagay sa buhok ko.
"Sheet. Ang gwapo ko talaga." Tapos kumindat ako sa harap ng salamin.
"Feel ne feel?"
Nanlaki ang mata ko nang may magsalita at nakita ko ang isang babaeng nakahiga sa aking kama. "W-Wendy? A-Anong ginagawa mo dito?"
Nag-smirk naman sya. "Gwapo ka na sana eh, kaya lang wala kang abs."
Napatingin ako sa katawan ko at napagtanto kong nakatapis lang nga pala ako.
Dali-dali akong kumuha ng damit at agad na tumakbo pabalik sa banyo para doon magbihis.
.
.
.
"Parang balak ka pang bosohan ng girlfriend mo," sabi ni Janna.Natawa naman ako sa sinabi nya. "Yun nga rin ang naisip ko eh."
.
.
.
Matapos kong magbihis ay bahagya kong binuksan ang pinto ng banyo.Napatingin sya sa akin habang natatawa. "Baka gusto mo nang lumabas dyan sa banyo?"
Huminga ako ng malalim at agad ring lumabas ng banyo. Tumingin ako ng seryoso sa kanya. "Umm.. a-ano bang ginagawa mo dito?"
Tumaas ang kanyang isang kilay. "Bawal na ba akong tumambay sa kwarto ng boyfriend ko?"
Napabuntong hininga ako at agad na naupo sa gilid ng kama. "K-Kapag nalaman ni mama na nandito ka sa kwarto, siguradong magagalit yun."
"Wala naman ang mama mo sabi ng Mama Fe mo eh."
"K-Kahit pa." Umiwas ako ng tingin.
Tumagilid sya ng higa at tumingin sa akin habang nakangiti.
Napalunok ako ng laway at agad na umiwas ng tingin. "W-Wendy, h-hindi pwede ang gusto mo."
"Excuse me?"
Napatingin ako sa kanya. "B-Bata pa tayong pareho."
Bigla nya akong binato ng unan sa ulo. "Wag kang feelingero! Wala akong balak ibigay sayo ang katawan ko!"
"Ahehe... g-ganun ba?"
Muling tumaas ang kanyang isang kilay. "Saka nga pala, bakit nagpapagwapo ka dyan kanina sa harap ng salamin? May lakad ka, ano?"
"W-Wala ah."
"Wag ka ngang sinungaling! May palagay-lagay ka pa ng hairwax dyan! Makikipag-date ka sa ibang babae, ano?!"
"Aish. Saan mo naman nakuha ang ideya na yan?"
"Eh hindi ka naman nagpapagwapo ng ganyan dati ah!"
"S-Sinubukan ko lang yung binili ko kahapon sa mall. B-Baka bumagay sa akin ang ibang hair style."
Inirapan nya ako. "Infairness, bumagay naman sayo."
Napangiti ako at napatingin sa kanya.
"Pero wag kang asyumero. Pangit ka pa rin."
Napakamot nalang ako sa ulo.
.
.
.
"Moody talaga sya. Kung minsan, sinasabihan nya akong cute pero mas madalas na pangit ako sa paningin nya," sabi ko kay Janna.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.