22. #MovingOn

417 20 1
                                        

Chapter 22

Nang makilala ko sa kikay,

Nagbago ang aking buhay.

Araw-araw na walang saysay,

Biglang nagkaroon ng kulay.

"Justine! Hindi ka ba papasok sa eskwela?" Tanong ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Umm... papasok po ako."

"Bilisan mo dyan, nakahanda na ang almusal sa baba."

Nang marinig ko ang mga yapak ni mama na pagbaba ng hagdan, mula kong binuksan ang papel na aking sinusulat.

Napasok man sa gulo at away,

Dulot na saya naman ay walang papantay.

Napangiti ako sa aking binabasa at napasandal.
.
.
.
Umirap sa akin si Janna. "So ginawan mo pala ng tula si Wendy?"

"A-Assignment namin yun, di ba?"
.
.
.
"Hindi ako papasok."

Napahinto ako sa sinabi ni Wendy. "B-Bakit?"

Binagsak nya ang katawan nya sa kama at huminga ng malalim. "Wala lang. Tinatamad lang ako."

Napangiwi ako. "D-Dahil lang dun?"

Tumaas ang kanyang isang kilay. "Eh ano bang pakialam mo?" Mataray nyang tanong.

Napakamot nalang ako sa ulo. "Halika na. Pasok na tayo."

"Ayaw ko nga sabi. Ang kulit mo naman eh. Sige na, pumasok ka na, baka ma-late ka pa."

Napabuntong hininga ako at naupo sa gilid ng kanyang kama. Tiningnan ko sya ng seryoso.

"Ano pang tinutunganga mo dyan?! Umalis ka na!"

"Aish. Galit ka ba sa akin?"

Bumangon sya sa akin at tiningnan ako ng maldita-look. "Anong sa tingin mo?"

Bigla akong napaisip. "T-Teka, anong ginawa ko?"

Natawa naman sya. "Wala. Sige na kasi, pumasok ka na. Dito nalang muna ako sa bahay."

"S-Sige." Tumayo naman na ako para lumabas ng kanyang kwarto.

"Bye, Justine," pahabol pala nya.

Napabuntong hininga nalang ako matapos kong isara ang pinto ng kanyang kwarto.

Nang bumaba ako ng hagdan, naabutan ko doon si General Sandoval na may kausap sa phone.

"O sige, tatawag nalang ulit ako mamaya." Hanggang sa napahinto sya nang makita nya ako. "Justine, nandito ka pala." Bigla syang napatingin sa kwarto ni Wendy at kumunot ang kanyang noo. "Galing ka sa kwarto ni Wendy?"

Bigla naman akong kinabahan. "Ah-eh..ano po kasi... tapos ganun po... kaya ayun po. Ahehe.."

Lalong kumunot ang noo nya. "Wala akong naintindihan sa sinabi mo."

"Ahehe... s-susunduin ko lang po sana si Wendy."

"I see. Papasok na kayo?"

"Opo sana, pero hindi daw po kasi sya papasok ngayon."

"Bakit daw?"

Hanggang sa nakaisip ako ng paraan. "Tinatamad daw po kasi sya."

Muli syang napasulyap sa taas ng hagdan. "WEENNDDYY!"

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon