Chapter 46
"Welcome home!" Bati sa akin ng napakaraming tao nang dumating ako sa bahay.
Nakita ko ang mga pinsan ko, ang ilan kong mga kaeskwela pati na rin ang mga kaibigan ko at mga kasama ko sa school organization.
Napatingin ako kay mama na bitbit ang mga gamit ko galing ospital at ngumiti lang sya sa akin.
Unti-unti rin akong napangiti.
"Justine!" Hiyaw ni Mama Fe na dali-daling lumapit sa akin at yumakap. Kitang-kita sa mukha nya ang labis-labis na pag-aalala. "Jusko, ikaw bata ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo at napapasok ko sa mga ganyang gulo!" Sermon nya pa sa akin.
Bahagya akong natawa. "Mama Fe, wag na po kayong mag-alala. Magaling na po ako."
"Insan, welcome back," sambit ng pinsan kong si Kuya Cris.
"Salamat."
"Justine, welcome home sayo," sambit ng iba ko pang mga kaibigan na isa-isang yumakap sa akin.
"Salamat. Salamat sa inyo."
"Justine, welcome home."
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Raya na kasalukuyang nasa tabi ni Clifford. Yumakap sa akin si Raya.
"Maraming salamat. Nagkabalikan na pala kayong dalawa."
"Hindi pa. Asyumero lang itong pinsan mo."
Natawa ako at napakamot naman sa ulo si Clifford.
"Welcome home," bati rin sa akin ni Clifford.
"INSAANN!"
Nag-make face bigla si Clifford. "Nandyan na yung mayabang mong pinsan."
"Insan, kamusta na?" Tuwang-tuwa na sabi ni Vincent na agad umakbay sa akin. "Mukhang malakas na malakas ka na talaga ah."
"Dalawang linggo ba naman akong nagpahinga sa ospital eh," sagot ko.
"Nice to here that." Umakbay din sya kay Raya. "Edi masaya na ulit tayong lahat."
Agad namang inalis ni Clifford ang kamay ni Vincent sa balikat ni Raya. "Tsk. Lumayo ka nga kay Raya."
Napangiwi si Vincent. "Justine, bakit ba ganito ka-O.A itong pinsan natin?"
"Anong sabi mo?!"
Tila nainis naman na si Raya. "Tumigil nga kayong dalawa! Nakakahiya kayo!"
Agad ring tumigil ang dalawa sa pagbabangayan.
Natawa nalang ako sa kanila.
"Justine, regalo pala namin sayo," sabi pa ng iba kong mga kasamahan sa school organization.
"Nag-abala pa kayo. Maraming salamat."
Hanggang sa natanaw ng aking mga mata ang isang babaeng abalang-abala sa pag-aayos ng mga pagkain na bahagyang natatakpan ng napakarami kong bisita.
"Justine, pasok ka na sa Monday ha," sabi ng kaklase ko.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo. Papasok na ako. Umm... sandali lang ha." Muli akong tumanaw sa aking nakita. Napangiti ako at lumakad palapit sa kanya.
Hindi naman nya ako napansin dahil sa sobrang abala nya sa pag-aayos ng mga hinandang pagkain.
"Bumati na sa akin lahat, ikaw nalang ata ang hindi pa."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.