43. #Freeze

315 9 3
                                        

Chapter 43

"Babe, answer my call. Please."

Huminga ako ng malalim at muli syang sinubukang tawagan pero hindi pa rin nya ito sinasagot.

Mahigit sampung beses ko nang sinubukang tawagan sya pero hindi sya sumasagot. Kahit text message ay wala akong natatanggap mula sa kanya mula nang magtalo kami kanina.

Muli akong nagpadala ng mga text messages.

Ayaw kong matapos ang araw na ito na magkaaway tayo. Please, let us talk.

Babe naman.. hindi ako makakatulog nito eh  :(

Tumayo ako at humarap sa bintana habang hinihintay ang reply nya.
.
.
.
"Pero wala talaga eh. Wala akong nabasa o narinig na sagot mula sa kanya," sabi ko kay Janna.

"Eh ikaw naman kasi, sinabayan mo pa ang init ng ulo nya. Edi pareho kayong sumabog."

"Tsk. Alam ko naman yun eh." Napabuntong hininga ako. "Ewan ko nga kung paano ko nagawang makatulog noong gabing yun eh."
.
.
.
Good morning, babe. I love you. :)

Kinabit ko na muna ang phone ko sa charger at lumakad ako papunta sa kusina kung saan kasalukuyang nag-aalmusal si mama.

"Palagi kang tinatanghali ng gising. Ano bang ginagawa mo kapag gabi?" Tanong sa akin ni mama.

"W-Wala po."

Nilagay ni Mama Fe ang niluto nyang bacon sa mesa at sumabay na sya sa aming kumain.

"Ma, nasaan pala si papa?"

"Pumasok sya sa opisina. Pero uuwi rin sya maya-maya at pupunta tayo sa Ninong Tristan mo."

Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman ang pinag-awayan namin ni Wendy.

"Ma, magtatagal ba tayo doon?"

"Depende sa ninong mo."

"H-Hindi naman po siguro tayo aabutin ng gabi, di ba?"

"Anong hindi? Doon tayo magdi-dinner."

Napakamot ako sa ulo.

Nahinto kaming lahat nang biglang may tumunog na phone..

Napatingin sa akin si Mama Fe. "May tumatawag ata sayo."

Bigla akong natauhan at agad na tumakbo para kunin ang phone ko sa sala.

"Hello, babe," banggit ko nang sagutin ko ang tawag.

[Justine, na-enroll mo ba yung Engineering Management?]

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng kaklase ko. "I-Ikaw pala Dexter. Oo, na-enroll ko yung subject na yun."

[Okay. Ngayon palang kasi ako mag-eenroll eh. Thank you ha.]

Napabuntong hininga ako at agad nang lumakad pabalik sa dining table.

"Ano bang nangyayari sayo at parang problemado ka?" Tanong ni mama.

Tinuloy ko ang aking pagkain. "Wala po," walang gana kong sabi.
.
.
.
Napabuntong hininga ako. "Tuwing umaga, tinetext na kaagad nya ako ng goodmorning, I love you, at kung ano-ano pa. Pero nung araw na yun, wala kahit man lang isang text mula sa kanya."

Bahagyang natawa si Janna. "Eh anong ine-expect mo? Nagtatampo nga di ba?"

"Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko nung mga oras na yun."
.
.
.
Babe, magreply ka naman oh. Nakailang text at tawag na ako. Sobra na akong nag-aalala.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon