Chapter 17
"Alis na ako, ma!" Sigaw ko na agad tumakbo palabas ng bahay.
"Hoy, Justine! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?!" Dinig ko pang sigaw ni mama pero hindi ko na sya pinansin pa.
"Manong, sa Montales Village po tayo," sabi ko sa tricylce driver.
Habang nasa byahe kami, tinanong ako ni manong driver. "Hijo, nasaan ang motorsiklo mo?"
"Ummm... wala pong basagan ng trip."
Dinig ko ang pagtawa nya. "Naku, hijo. Itigil mo na yan habang maaga pa, baka mabiktima ka pa ng extra judicial killings."
"M-Mas okey na po ang extra judicial killings kaysa sa extra judicial konyat."
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, naabutan ko kaagad ang kasambahay nilang epal.
"Si...Si Wendy?" Tanong ko.
Tumawa sya ng malakas. "Ano na naman ba yang trip mo?"
"Umm... surpresa ko ito kay Wendy."
Muli syang tumawa. "Bahala ka sa buhay mo. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ka pinatulan ni Maam Wendy. Tara na sa loob."
Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Maam Wendy, nandito na po si Justine."
"NASSAAANNN SYAAA?!"
Halos mapatalon ako sa gulat. Inayos ko ang aking proteksyon at agad na nagpakita kay Wendy. "Ah-eh.. ahehe.. g-good morning, babe."
Kumunot ang noo nya nang makita nya ako. "J-Justine?"
.
.
.
"Yun na ata ang pinaka nakakahiyang ginawa ko sa tanan ng buhay ko," sabi ko kay Janna.
"A-Ano bang ginawa mo?"
"Nagsuot ako ng helmet bilang proteksyon sa kamao ni Wendy."
.
.
.
"ANG SABI KO, HUBARIIIN MOOO YAAANG HELMEEETT!" Sigaw nya habang nasa balkonahe nila kami.
"H-Hindi nga pwede."
"JUUUSSTTIIIINNEEE!".
"E-Eto na, huhubarin ko na," takot na takot kong sabi na agad inalis ang helmet sa aking ulo.
Huminga sya ng malalim at nag-cross arms. Tumaas na naman ang kanyang isang kilay. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo nung party ni Clifford?" Otorisado nyang tanong.
"Ahehe... n-naglasing ako."
"Tapos?"
"Ah-eh, kinanta ko yung kanta ng kamikazee sa videoke."
"Tapos?"
"T-Tapos.. umm.. natulog na ako."
Bigla nya akong kinutusan. "KAMAO KO ANG NAGPATULOG SAYO! TANGA!"
Napakamot naman ako sa ulo.
Bigla nyang hinatak ang kwelyo ko at tiningnan ako na may pagbabanta. "Hoy! Nung gabing yun, hinalikan mo ako!"
"Ahehe... g-ganun ba?"
"Anong ganun ba?!"
"E-Edi wow."
Hinampas naman nya ako ng malakas sa balikat.
"Ah." Daing ko.
"BAKIT MO AKO HINALIKAN?!"
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
