28. #StolenKiss

399 18 2
                                    

Chapter 28

"Matapos ang mga nangyari, hindi na namin nakita pa si Vincent," sabi ko kay Janna.

"Malamang nasaktan sya sa panlolokong ginawa nyo sa kanya."

"Oo. Alam kong malaki ang pagkakamali namin sa kanya dahil nilihim namin sa kanya ang totoo. Pero alam naman ng lahat na hindi namin intensyon iyon dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari."

"Teka. Saan na nga ba nagpunta si Vincent nung nalaman na nya ang totoo?"

"Hindi namin alam. Pero nasabi sa akin ni papa na natuloy ang pag-aaral nya sa Manila. Sa ibang eskwelahan nga lang."

"That was part of his moving on."

Bahagya akong natawa. "Nabalitaan ko na nga lang, girlfriend na nya si Georgina."

"Na asawa na nya ngayon," natatawang sabi ni Janna. "Eh ano naman ang nangyari sa inyo ni Wendy?"

Napatingin ako sa kanya.
.
.
.
"JUUUSSTTIINNNEEE!"

Bigla akong naalimpungatan at agad na napabangon nang biglang may sumigaw ng malakas.

Nakita ko si Wendy na matalim ang tingin sa akin.

Napakunot ang noo ko. "A-Ano ang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Bigla nya akong hinampas ng bag nya. "AAARRGGG! TANGA-TANGA KA TALAGAAA!"

"B-Bakit ba?"

"LATE NA TAYO SA SCHOOL!"

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Napatingin ako sa orasan at nakita kong 30 minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko.

"Maliligo na ako." Tumayo ako ata agad na tumakbo papunta sa banyo.

"Mahigit isang oras akong naghintay sa bahay tapos maabutan kita ditong natutulog pa!" Galit na sabi ni Wendy habang nasa labas ng banyo.

Agad kong hinubad ang aking damit at agad na binuksan ang shower.

Patuloy naman si Wendy sa pagbubunganga. "Ako pa ang nagsundo sayo! Kung ganun lang din naman pala, magpalit nalang tayo! Ako na ang boyfriend at ikaw na ang girlfriend! Susunduin kita araw-araw dito dahil hiyang-hiya naman ako sayo! Bwiset ka talagaa!"

Pinagsabay ko na ang pagsasabon at pagsha-shampoo dahil sa sobrang pagmamadali.

"Umamin ka nga! Gumimik ka kagabi kaya ka napuyat, ano?!"

"H-Hindi ah," sagot ko habang naliligo.

"EH BAKIT KA NGA NAPUYAT?!" Kinalabog nya pa ang pinto ng banyo dahil sa sobrang galit.

Sakto namang natapos na akong maligo. Agad akong nagsuot ng damit at lumabas ng banyo. "N-Napasarap lang ako sa tulog."

"Napasarap sa tulog?" Nagbabanta nyang tanong.

"Oo nga."

Tinulak nya ako ng malakas. "BILISAN MO NA! MAY EXAM AKO!"
.
.
.
"Balik sa dating eksena," sabi ko kay Janna.

"Sa eksena kung saan palagi ka nyang binu-bully."

Tumango ako. "Sa eksena kung saan naririndi ako sa bunganga nya, sa eksena kung saan lagi akong kawawa sa kanya. Sa eksena.... kung saan ako totoong masaya."
.
.
.
"Kasalanan mo ito! Nagsimula na ang exam namin!"

Naiiyak sa galit si Wendy nang madatnan naming nagsisimula na ang exam nila.

"B-Baka kasisimula lang nila."

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon