Chapter 37
"Para saan ba itong binili nating mga isda?" Nakangiti kong tanong kay Raya habang naglalakad kami pabalik sa kanilang bahay mula sa isang public market.
Ngumiti sya sa akin. "Ipagluluto kita."
Bahagya akong natawa. "Ano naman ang naisipan mo at gusto mo akong ipagluto ngayon."
"Wala lang. Palagi nalang kasi tayong kumakain sa labas. Naisip ko lang na mas maganda na maiba naman kung minsan. Kaya heto, magluluto ako at tutulungan mo ako."
Napangiti ako sa sinabi nya. "Alam mo, talagang tataba ako sayo."
Bahagya syang natawa. "Bakit? Hindi ka ba pinapakain dati ni Wendy?"
Natigilan ako sa sinabi nya.
"S-Sorry. Nagbibiro lang ako."
Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang."
Habang naglalakad, tila may bumubulong sa aking isipan na nagpapaalala ng nakaraan.
"Gulay lang dapat, Justine. Healthy na, stay sexy pa. Di ba?"
Umiling ako. Natigilan ako nang mapansing nakatingin sa akin si Raya. "Okey ka lang, Justine?"
"O-Okey lang."
Napahinto kami ni Raya sa paglalakad nang masalubong namin si Carlos at ang isa pang batang babae na tumatakbo.
"Bilisan natin!" Natatarantang sabi ni Carlos habang hawak ang kamay ng batang babae.
Hanggang sa nakita rin namin si Pinky na humahabol. "CAARRLLOOOSSS!"
"P-Pinky?" Gulat na sambit ni Raya.
"HINDI KA NAMIN BATI!" Sigaw pa ni Carlos habang tumatakbo.
Sa bilis tumakbo ng kalaro ni Pinky ay hindi na nya nagawang humabol pa at napaupo nalang sya. "CARLLOOSS! BUMALIK KA DITOO!"
Nagkatinginan kami ni Raya.
"CAARRLLOOOSS!"
Napatingin si Raya kay Pinky at dali-dali nya itong nilapitan. "Pinky.." Nag-aalala nyang sabi.
Agad din akong lumapit sa kanila at napahinto ako nang makita kong humahagulgol sa pag-iyak ang batang kikay.
"A-Ate Raya... si Carlos... A-Ayaw na akong kalaro ni Carlos.."
"Pinky." Agad na niyakap ni Raya si Pinky.
.
.
.
"Maldita man sa paningin ang mga kikay, pero nasasaktan pa rin sila," sabi ni Janna.
"At lumuluha," sabi ko naman.
"Lalo na kapag iniwan sila ng mga taong nakasanayan nilang kasama."
.
.
.
"Doon ka na muna sa bahay namin. Sumama ka na muna sa amin ni Kuya Justine. Gusto mo ba?" Tanong ni Raya sa batang humahagulgol sa iyak.
Umiling naman si Pinky. "Si..Si Carlos.."
Napabuntong hininga naman si Raya. "Tara na, Pinky. K-Kung gusto mo, doon nalang tayo sa bahay maglaro. Maglalaro tayong tatlo nina kuya Justine."
"Si Carlos ang gusto kong kalaro," sambit ni Pinky habang patuloy na umiiyak.
"P-Pero Pinky.. m-malayo na sina Carlos. Hindi mo na sila maabutan pa."
Napayuko nalang si Pinky.
Muling napabuntong hininga si Raya at napatingin sa akin.
Umupo na rin ako sa harap ni Pinky at sinubukan rin syang pakiusapan. "H-Hindi na siguro babalik si Carlos. M-Marami ka pa naman pwedeng ibang makalaro dyan eh."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
