2. #FindingWendy

1.6K 36 14
                                    

Chapter 2

"Baby, kamusta ang eskwela?" Tanong sa akin ni mama nang makauwi ako galing eskwela.

"Okey lang po, ma." Naupo ako sa sofa namin.

"Kinain mo ba yung baon mo na niluto ko?"

"Yes, ma."

Napabuntong hininga nalang ako.
.
.
.
"Sawa na akong maging bata. Sawa na ako sa mga pambu-bully ng mga kaeskwela ko sa akin. Alam kong hindi pabor ang mga magulang ko sa mga ginagawa ko, pero yun ang gusto ko. Yun ang ginawa ko dahil alam kong doon ko makikilala ng totoo ang sarili ko."

Nakatingin lang ng seryoso sa akin ang asawa ko.
.
.
.
"Gusto mo ba talagang makasali sa grupo namin?" Tanong sa akin ni Clifford.

"A-Ano bang dapat kong gawin para makasali ako sa banda nyo?"

"Tsk. Badtrip naman oh!" Umakbay sa akin si Clifford. "Alam mo ba talaga kung ano itong pinapasok mo? Para sabihin ko sayo, hindi ka banda. Gang kami. Gang na kinakatakutan ng dito sa buong campus."

"K-Kaya nga gusto kong sumali."

"Bakit? Sa tingin mo kakatakutan ko rin dito sa buong campus kapag sumali ka sa grupo namin? Tingnan mo nga yang katawan mo!"

"Edi magpapataba ako."

"Mag-aral ka nalang. I-maintain mo ang pagiging top mo sa klase. Ako ang mananagot nyan kay Tito Julio kapag nalaman nyang pinasok kita dito sa gang namin eh."

"S-Sige naman na, payagan nyo na ako. Gagawin ko naman ang lahat eh."

"Hindi nga sabi pwede! Hindi mo kakayanin makapasok sa grupo namin!"

"Anong problema dyan?" Tanong ni Boss Morgan nang lumapit sya sa amin.

"Boss, wala ito-" Sabi ni Clifford pero agad ko syang sinapawan.

"Boss, paano ba ako makakasali sa gang?"
.
.
.
"Sinabihan ka na nga ni Clifford, hindi mo kakayanin. Matigas pala talaga ang ulo mo noon," sabi ni Jana sa akin.

"At least, may napatunayan ako sa sarili ko."

"Bakit? Nakasali ka ba sa gang nila?"
.
.
.
"Hello baby, nandito ako ngayon sa cafeteria. Pumunta ka dito, miss na miss na kita," sabi ni Boss Morgan habang kausap nya sa phone ang girlfriend nya.

Kasalukuyan ko naman syang minamasahe.

"Oo, kasama ko ang mga barkada ko mamaya... baby, birthday ng kaibigan ko, syempre dapat nandoon ako... wala naman kaming kasamang babae eh.. Wendy? Wendy!"

Napahinto ako nang sumigaw si Boss Morgan.

Nagbuntong hininga sya. "Nasaan na yung masahe ko?"

"S-Sorry, boss." Muli kong binalik ang kamay ko sa kanyang likuran. "Boss, ang ganda siguro nyang chix nyo tapos ang sexy, ano?" Sambit ko.

"Mukha ba akong napatol sa pangit at mataba?"

"H-Hindi po, boss."
.
.
.
"Bakit? Sexy at maganda ba talaga ang girlfriend nung Morgan na yun?"

"Sobra."

Nag-rolled eye naman sya sa akin. "At talagang nagpakaalila ka doon sa Morgan na yun?" Tanong ni Janna.
.
.
.
Pagbalik ko sa park galing sa cafeteria, natigilan ako nang makitang kinakain nina Nick at Lester ang baon kong pagkain na niluto ni mama.

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon