24. #Ransom

428 19 3
                                    

Chapter 24

Napahinto ako sa pagtakbo dahil sa sobrang hingal. Halos naikot ko na ang buong Britollis Academy sa kakatakbo pero hindi pa rin ako tinitigilan ni Wendy.

"JUUUSSTTIIIINNNEEE!"

Nanlaki ang mata ko nang makitang may hawak syang malaking bato.

"Waaaa!" Sigaw ko at muling kumaripas ng takbo.
.
.
.
"S-Sandali lang nga. Bakit ka ba nya hinahabol?" Tanong ni Janna.

Napabuntong hininga ako. "Napunit ko yung bagong bili nyang dress."

"OH SHEET! Bakit mo pinunit?!" Gulat na tanong ni Janna.

"Tsk. Akala ko kulambo eh. Edi ginamit ko pangkamot ng paa noong nandoon ako sa bahay nila."
.
.
.
"Akala mo ba makakatakas ka sa akin?!" Galit nyang tanong nang ma-corner nya ako sa isang sulok.

Unti-unti akong napaatras hanggang sa wala na akong maaatrasan. "Huhuhu.. ano bang kasalanan ko?"

Inangat nya ang hawak nyang dress. "Ikaw ang sumira nito, di ba?!"

"H-Hindi ah. B-Baka si kuya Peter."

"SINABI NA SA AKIN NI RAMONA!"

"Huhu.. bwiset talaga yang katulong nyo." Sinubukan kong lumapit pero hawak pa rin nya ang malaking bato. "S-Sorry na, babayaran ko nalang."

"WALANG MABIBILHAN NG GANITO SA PILIPINAS!"

"E-Edi maghahanap ako ng kahawig ng dress na yan."

"ARRRGGG! BAKIT MO KASI PINAKIALAMAN?!"

"A-Akala ko kasi kulambo eh. Sorry na."

Hanggang sa dumaan ang isang guard at napahinto ito nang makita nya ako. "Hoy! Ikaw yung nagnakaw ng batuta namin ah!"

"A-Ako?"

"Akala mo ba nakalimutan ko na yang mukha mo?!"

"Ahehe... ang galing. N-Natatandaan mo pa pala ako."

"Lagot ko sa akin ngayon. Halika sa guidance office."

"Sige, kuya. Dalhin nyo sa guidance office yang bwiset na yan," sulsol pa ni Wendy habang hawak pa rin ang malaking bato.

Agad akong nag-isip ng paraan. "WENDY! MAY IPIS SA BUHOK MO!"

"Nyaaaahhh!" Tili nya at sa sobrang taranta ay nabitiwan nya ang malaking bato.

Tumama naman ang bato sa paa ng guard. "AHHHH!" Daing nya.

Kinuha ko nang pagkakataon iyon para makatakas sa kanila pareho.

"JUUUSTTIINNNNEEE! BWISET KAA TALAGAAA!"

"HOY BUMALIK KA DITO!"
.
.
.
"Ibang klase ka rin talaga. Hangga't may paraan, gagawin at gagawin mo para lang makalusot," sabi ni Janna.

"Hanggang ngayon naman nagagawa kong makalusot sa mga kalokohan."

Napahinto sya sa sinabi ko. "ANONG SABI MO?!"

Natawa nalang ako. "Naniwala ka naman. Never pa akong gumawa ng kalokohan sayo noh."

Marahan nya akong hinampas sa dibdib. "Lumulusot ka lang ata eh."

"H-Hindi ah."

"Siguraduhin mo lang ha. Makakatikim ka talaga sa akin."
.
.
.
Habang nakahiga sa aking kama, hindi naman mahinto sa pagtunog ang phone ko.

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon