Chapter 50
"Magkano po itong bulaklak?"
"250 lang po, sir."
"Umm... bigyan mo ako ng isa."
"Wait lang po, sir." Kinuha ng tindera ang itinuro kong bulaklak at binalot ito. "Heto na po, sir."
Napahinto ako nang iabot nya sa akin ang bulaklak.
.
.
. "UMALIS KA NA NGA DI-" Hindi nya naituloy ang kanyang sasabihin nang makita nya ang mga hawak ko.
Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya. "Umm..."
"Oh ano naman yan?!" Mataray nyang tanong.
Tumingin ako sa aking relo. "Ahehe.. m-may six minutes pa bago matapos ang birthday mo." Unti-unti akong tumingin sa kanya at nakita kong nataas na naman ang kanyang isang kilay.
"At nag-effort ka pa talaga bago pumunta sa pupuntahan mo ngayong gabi?"
Napakamot ako sa ulo. "I-Ito nga yung pupuntahan ko eh."
Hanggang sa hindi na sya sumagot.
"N-Nakaistorbo ba ako?"
Natawa nalang sya at napailing. "Alam mo ba na pwede kitang ipakulong kay daddy dahil sa pang-iistorbo mo sa akin ngayong gabi?"
"H-Hindi mo na gagawin yun, di ba?" Huminga ako ng malalim at inabot sa kanya ang aking regalo. "H-Happy birthday."
"Salamat, ibang klase ka rin palang maging boyfriend," natatawa nyang sabi.
"Ahehehe.. s-syempre, birthday mo eh."
.
.
.
"Oh sir, para saan yang bulaklak? Anniversary nyo ni Miss Janna?" Tanong ng assistant kong si Jerome nang pumasok ako sa loob ng kotse kung saan sya naghihintay.
"No. Umalis na tayo."
"Saan tayo, sir? Sa office na po ng asawa nyo?"
"Later. Dumaan muna tayo sa memorial park."
Napatingin sya sa akin. "S-Sinong dadalawin nyo doon sir?"
"Tsk. Pwede bang magmaneho ka nalang."
"S-Sabi ko nga po magmamaneho nalang ako eh."
Napabuntong hininga ako at tumanaw na lamang sa labas ng bintana.
.
.
.
.
.
.
"Excuse me, bago ka ba dito?"
Napatingin ako sa taong nagtanong at nakita ko ang isang babae na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.
"Tinatanong kita kung bago ka ba dito sa school."
"H-Hindi."
Hinawakan nya ang tinidor ko. Tinusok nya ang ulam at itinpat ito sa akin. "Isubo mo."
.
.
.
Sariwa pa sa aking alaala noong araw na pinagtagpo ng Diyos ang landas naming dalawa.
Tila kahit ilang panahon man ang lumipas, hindi ito basta-basta mabubura sa aking isipan.
.
.
.
"Well, may kaklase pala akong nerd sa subject na ito."
Napatingin sa akin si Raya. "Kilala mo ba sya?"
Napabuntong hininga ako. "Wag mo nalang syang pansinin. Tara na."
.
.
.
Magagawa ko ba namang kalimutan ang isang babae na ubod ng suplada at katarayan?
.
.
.
"10 seconds left!"
Nakaramdam ako ng taranta sa narinig ko mula kay Lester.
Hanggang sa nakita ko ang malditang kikay na nakatayo habang nakatalikod sa akin. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
