33. #Panunuyo

358 10 0
                                        

Chapter 33

"At least, naramdaman mo ang sinseridad sa paghingi nya ng tawad sayo, di ba?" Sabi ni Janna.

"Alam ko na sa ginawa nyang paghingi ng tawad, napagtanto nyang mali ang ginawa nya. Pero sana napagtanto nya rin na hindi sa lahat ng pagkakataon, susunod ako sa kagustuhan nya."

"Eh di ba nasanay ka naman na doon?"

Napabuntong hininga ako. "Marahil nasanay na nga ako, pero nakakasawa rin pala."

"Hindi ka nagsawa, Justine. Nagkataon lang na napagtanto mong mahal mo pa rin si Raya."

Napatingin ako sa kanya.
.
.
.
"Wow! Magaling ka nang magluto ah," tuwang-tuwa na sabi ni Raya habang kinakain namin ang spagetti na niluto ko dito sa bahay.

Ngumiti ako sa kanya. "Tinuruan ako ni Mama Fe."

"Minsan naman, turuan mo din ako."

Bahagya akong natawa. "Paanong turuan kita? Eh mas magaling ka pa ngang magluto kaysa sa akin."

"Pero hindi ako ganun kagaling magluto pagdating sa Italian style."

"O sige, tuturuan kita. Madali lang naman eh."

Napangiti naman sya. "Tapos ituturo ko naman sayo lahat ng alam kong iluto. Kumakain ka ba ng kare-kare?"

"Syempre naman. Paborito ko yun eh."

"Tamang-tama. Sa susunod, doon naman tayo sa bahay tapos ipagluluto kita ng kare-kare."

Bahagya akong natawa. "Mukhang tataba ako kapag kasama kita ah."

"Hindi naman siguro," natatawa din nyang sabi.

"Anong hindi? Eh halos lahat ng paborito ko, alam mong lutuin." Nang hindi nya namamalayan, nakaakbay na pala ako sa kanya.

"Edi pigilan mo ang sarili mong kumain ng marami."

"Akala mo ba ganun kadali magpigil kapag mga paborito mong pagkain ang nakahain sa harapan mo?"

"O sige, iluluto ko nalang lahat ng pagkain na ayaw mo."

"At alam kong hindi mo magagawa yun sa akin."

Tumawa lang sya.

"Sa mga kwento mo palang, maaari na akong tumaba. Paano pa kaya kapag naging girlfriend na kita?"

Natigilan sya at napatingin sa akin.

Ngumito ako habang nakatitig sa mga mata nya at unti-unti rin syang napangiti.

Umiwas sya ng tingin. "Hmp. Gagawin mo lang ata akong katulong kaya mo ako nililigawan eh," inis nyang sabi.

Natawa ako sa sinabi nya. "At talagang naisip mo yun ha?"

Natawa din sya at marahan akong hinampas sa braso.

"Mama Fe! Nasaan po si Justine?"

Pareho kaming natigilan ni Raya nang marinig namin ang boses ni Clifford.

Hanggang sa nakita na nya kami sa sala. Natigilan sya sa kanyang nakita.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakaakbay ko kay Raya. "Umm... C-Cliff... h-hinahanap mo ako?" Utal-utal kong tanong. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso.

Samantalang si Raya ay napayuko nalang.

Binigyan ako ni Clifford ng isang pilit na ngiti at inangat nya ang hawak nyang libro. "Umm... ibabalik ko lang itong hiniram ko sayong libro."

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon