Chapter 11
"Ummm... Wendy." Sambit ko nang makarating ako sa bahay nila.
Napatingin sya sa akin at agad na ngumiti. "Justine." Lumakad sya palapit sa akin.
"B-Bakit mo ba ako pinapunta dito sa inyo?"
"Halika sa sala, gusto kang makilala nina mommy at daddy! Tara, dali."
Natigilan ako sa aking narinig at tila nanginig ang aking tuhod. "S-Sandali.."
"Bakit na naman ba?!" Galit na tanong ni Wendy.
"Ahehe... busy kasi ako ngayon eh."
"Ginagago mo ba ako?! Nandito ka na nga eh! Tapos sasabihin mo sa akin na busy ka?!"
Napakagat ako sa labi. "Umm... pwedeng next time mo nalang ako ipakilala sa parents mo?"
"Hindi pwede! Nabalitaan na nila na may bago akong boyfriend kaya kailangan ka nilang makilala!"
Agad akong nag-isip ng paraan. "Sheet! May naiwan pala akong sinaing sa bahay. Bye, Wendy!" Agad akong tumakbo paalis pero nagsalita sya.
"Subukan mong lumabas sa gate na yan! Ako mismo ang magdadala sayo kay Morgan!"
Napahinto ako sa aking narinig at humarap sa kanya.
.
.
.
"KAYA WALA NA AKONG NAGAWA! NILAKASAN KO NALANG ANG LOOB KO NA HARAPIN ANG MGA MAGULANG NYA!" Sigaw ko habang nasa labas ng pinto ng aming kwarto. Napabuntong hininga ako. "Janna, buksan mo naman na itong pinto. Please naman.."
"WAG MO NGA AKONG KAUSAPIN!" Sigaw ni Janna mula sa loob ng kwarto.
"Tsk. Sorry na."
"Pati ba naman yung nagpapa-order ng avon sinabihan mong si Wendy!"
"Eh naka-pink kasi syang bag eh. Ganun kasi ang pormahan ni Wendy. Buksan mo naman na itong pinto. Gusto lang naman kitang biruin kanina eh."
"Pwes, hindi ako nakikipagbiruan."
"Kapag hindi mo ito binuksan, papasok ako sa opisina."
Hindi naman na ako nakarinig ng salita mula sa kanya. Ilang saglit lang ay bumukas na rin ang pinto.
Natawa nalang ako habang nakatingin sa kanya.
.
.
.
"Mom, Dad, this is Justine, boyfriend ko," pakilala sa akin ni Wendy sa mga magulang nya.
"Ah-eh... g-good... goodbye po." Tumalikod ako pero agad akong hinatak ni Wendy pabalik.
Sumenyas sya sa mukha ko na parang nagbabanta.
Muli akong humarap sa mommy at daddy nya. Lumakad ako palapit sa kanila kahit nanginginig ako at agad nagmano sa kanila.
"Ang bait nya po, di ba?" Nakangiting sabi ni Wendy.
Napatingin ako sa mommy at daddy nya pero tila wala itong ekspresyon. Hanggang sa unti-unti rin silang napangiti.
.
.
.
"Mabait ang mga magulang nya?" Tanong sa akin ni Janna.
"Parang ganun na nga. Pero hindi ko pa rin maiwasang matakot lalo na nang nalaman ko ang mga ilang impormasyon tungkol sa daddy nya."
.
.
.
"Nag-aaral naman ba kayong dalawa mabuti?" Seryosong tanong ng daddy nya habang kumakain kami.
"Syempre naman, dad. Kami pa ba?" Confident na tanong ni Wendy.
Napatingin ako sa kanya. Pwe! Hindi mo nga masagutan yung mga simple equations sa math.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
