Chapter 42
"Akala ko ba madaling araw ang byahe nyo, ma?" Tanong ko sa kanila nang maabutan ko silang nag-aalmusal.
"Sinabi ng Tita Lordes mo na may dadaanan pa muna sila sa Cavite."
Naupo naman na ako sa hapag. "Sasabay po kayo nina papa sa kanila?"
"Hindi. Dadalhin namin ang sasakyan."
Nahinto si papa at tumingin sa akin. "Dadalhin namin ang sasakyan at baka itakas mo na naman."
Napakamot naman ako sa ulo.
Bumaba si Mama Fe nang hagdan na may bitbit na bagahe.
Napakunot ang noo ko. "Mama Fe, saan ang punta mo?"
"Edi sa Baguio."
"Ha?" Napatingin ako kay mama.
"Isasama na namin si Tita Fe tutal mas marami kaming aasikasuhin doon."
"A-Ako lang ang mag-isang maiiwan dito sa bahay?"
"Matanda ka na. Kaya mo nang mabuhay nang mag-isa. Tatlong araw lang naman kaming mawawala."
"Ma naman.." Reklamo ko.
"Kung gusto mo, sumama ka nalang."
.
.
.
"Isipin mo, pupunta sila ng Baguio at iiwan nila akong mag-isa sa bahay?" Sabi ko kay Janna.
"Edi sumama ka sa kanila?"
"Hindi."
"Bakit hindi?"
"Syempre, matalino ako eh."
Kumunot ang noo nya. "Ha?"
.
.
.
"Justine, sigurado ka na ba talagang hindi ka na sasama?" Muling tanong sa akin ni mama nang ihatid ko sila sa kotse.
Ngumiti ako. "Hindi na, ma. Ayaw ko talagang sumama."
"Ikaw lang ang maiiwang mag-isa dito sa bahay."
"Ako na ang bahala. Kayang-kaya ko na ito."
Kumunot ang noo nya. "Bakit parang tuwang-tuwa ka pa na aalis kami?"
"Po?"
Tiningnan nya ako ng seryoso. "Justine ha! Baka kung anong gawin mong kalokohan dito sa bahay kaya gusto mong maiwan mag-isa."
"H-Hindi po."
"Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman ko lang talaga, humanda ka sa akin pagbalik namin dito sa Manila."
"Aish. Si mama naman, masyadong tamang hinala." Nilagay ko ang mga gamit sa compartment. "Sige na, ma. Baka abutin pa kayo ng dilim sa daan."
Nagbuntong hininga si mama. "Yung mga bilin ko sayo ha."
Ngumiti ako. "Sige po." Humalik pa ako sa pisngi nya. "Bye, ma. Bye, pa. Mama Fe, happy trip."
Hanggang sa tuluyan na silang umalis. Sinilip ko pa ito at nang tuluyan na itong nakalayo, napangiti ako.
Dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay at agad na tinawagan si Wendy.
"Hello, babe."
[Babe? Bakit?]
"Pumunta ka dito sa bahay. Ngayon na."
[Ha?]
"Basta. Pumunta ka nalang."
[Bakit nga?]
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
