Chapter 15
"Si Raya... sinagot na ako ni Raya."
Halos hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binaggit kanina sa akin ni Clifford. Para bang napakalaking sampal sa aking pagkatao ang narinig ko mula sa kanya.
"Justine," sambit ni Mama Fe nang makauwi ako sa bahay.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "N-Nandyan na po ba sina mama?"
"Halos kararating lang din. Kumain ka na. Niluto ko yung paborito mong ulam."
"Umm.. busog pa po ako."
Tila nahalata naman nya ang pagiging matamlay ko. "Justine?"
Hindi na ako sumagot. Lumakad ako papasok sa bahay at binagsak ang aking katawan sa couch. Tumingala ako at napabuntong hininga.
"Justine, anak?"
Napatingin ako kay mama na nakatingin sa akin habang kamasa si Mama Fe. "M-Ma... i-ikaw po pala."
Napabuntong hininga sya. "Sige na po, Tita Fe. Iwanan nyo na po kami." Lumakad si mama palapit sa akin at naupo sa tabi ko. "May problema ba?"
Umiwas ako ng tingin. "W-Wala po."
"Sa itsura mong yan? Justine, anak kita. Alam ko kung kailan ka masaya at kung kailan ka nakakaramdam ng lungkot."
"Pagod lang po siguro ako."
"Anong problema?"
"Ma, wala po. Pagod lang po talaga ako."
"Nag-away ba kayo ni Wendy?"
"P-Palagi naman po kaming nag-aaway."
Muling nagbuntong hininga si mama. "Alam mo, Justine. Kasama naman sa relasyon yan eh. Ang awayan, ang selosan, at kung minsan pati sakitan. Pero ang mga bagay na yun ang magiging dahilan para maging matatag kayo."
Hindi nalang ako sumagot.
Huminga ng malalim si mama. "Isa ito sa kinatatakutan ko kapag natuto ka nang magmahal eh, ang masaktan ka."
"A-Ayos lang po ako."
"Mahal mo naman sya di ba?"
"Sobra po."
"Kung mahal mo talaga sya, hindi ka dapat sumuko. Ipaglaban mo sya. Makipag-ayos ka sa kanya. Ipakita mo sa kanya na ikaw ang lalaking dapat mahalin nya dahil katulad ng sinabi mo, sobra mo syang mahal."
"H-Hindi na po pwede."
Natigilan si mama at napatingin sa akin.
"May mahal na po syang iba."
"A-Anong ibig mong-"
"Sige po, ma. Magpapahinga na po ako." Tumayo ako at agad na lumakad paakyat sa kwarto ko.
Napahinto ako nang makita ko ang litrato naming dalawa sa aking mesa.
Hinawakan ko ito. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang litrato namin ni Raya.
"Ang manhid mo naman. Sa dami ng mamahalin mo, yung pinsan ko pa. Sana ako nalang..."
.
.
.
"Ibang level din pala ang feelings mo noon sa kababata mo," sabi ni Janna.
"Sya lang naman kasi ang nag-iisang babae na pumapansin sa akin kahit pa noong mga bata pa kami."
"Dumating din naman si Wendy, di ba?"
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
