Chapter 13
"Babe, heto na ang tubig mo," sabi ni Janna matapos nya akong kuhaan ng tubig sa kusina.
"Salamat."
Umupo sya sa tabi ko at ngumiti.
"Hayaan mo, ilang araw nalang naman, gagaling na itong paa ko," sabi ko sa kanya.
"Kaya magpahinga ka na muna at wag mong ipilit na kumilos kung hindi ka naman kumportable."
Napangiti nalang ako sa kanya.
Kumapit sya sa braso ko at pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "Babe, hindi mo naman magagawang mambabae katulad ng ginawa mo noon kay Wendy, di ba?"
"Syempre hindi. Nangako ako sayo, di ba? Yung sa amin ni Wendy, there's no promises were made. Our relationship just sucked our lives. Bakit? Natatakot ka ba na lokohin kita?"
"Syempre naman. Natatakot ako na mas maging masaya ka na sa iba at hindi na sa akin."
Bahagya akong natawa at hinawakan ang kanyang isang kamay. "It won't happened."
"Pero babe, kung sakaling mangyari yun, patatawarin kita."
Napangiti ako. "Talaga?"
"Oo naman. Asawa kita eh. Pero bago kita patawarin, babalian muna kita ng buto sa isa pang paa para tuluyan ka nang malumpo." Tapos ngumiti sya sa akin. "Ang sweet ko, di ba?"
Napakamot nalang ako sa ulo. "Mas masahol pa ang gagawin mo sa akin kaysa sa ginawa sa akin noon ni Wendy eh."
Natawa sya at umayos ng upo. "Ano ba ang ginawa nung malditang kikay na yun nang mahuli ka nyang kalandian mo si Raya?"
Huminga ako ng malalim at tumingala.
.
.
.
"Masarap ba ang halik ni Raya?"Napahinto ako sa aking narinig at unti-unting lumingon sa kanya. "Ahehe.. i-ikaw pala. K-Kanina pa dyan?"
"BAAAKKIIITT HIIINNDDIII MOOO AKOOO SINIPOTT?!"
Naisalag ko nalang ang dalawa kong kamay sa aking harapan dahil sa malakas nyang sigaw.
.
.
.
Huminga ako ng malalim. "Parang ayaw ko nang ikwento. Na-trauma ako eh."Napatingin ng seryoso sa akin si Janna. "Bakit? Anong ginawa nya sayo?" Nag-aalala nyang tanong.
.
.
.
Agad akong nagtago sa likod ng isang nakaparadang sasakyan. Hinihingal pa ako dahil sa ginawa kong mabilis na pagtakbo.Sumilip ako sa gilid at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Wendy na paling-linga at hinahanap ako habang hawak ang kanyang isang sapatos na may mataas na takong.
Sumandal ako at napahawak sa aking dibdib. Hinimas ko ang aking ulo na pinukpok kanina ni Wendy ng takong ng kanyang sapatos. Nakapa ko ang pag-umbok ng isang maliit na bukol.
"Tsk. Ang sakit nun ah. Huhu.." Naiiyak kong sabi habang nagtatago.
"LUMABAS KA, JUSTINE!"
Napahawak ako sa aking bibig at pilit pang siniksik ang sarili sa aking pinagtataguan.
Pinahid ko ang pawis ko sa noo at napapikit saglit sa sobrang pagod. Pero sa muli kong pagdilat, bumunyag sa aking harapan si Wendy na nakataas ang isang kilay.
"Tinataguan mo ba ako?" Mataray nyang tanong.
"Ha? Ahehe.." Agad akong yumuko. "T-Tinatali ko lang ang sintas ng sapatos ko." Tapos agad akong tumayo. "H-Halika na. Hatid na kita pauwi."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
ЮморHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.