14. #FINDINGaCOMPLAINANT

517 23 8
                                        

Chapter 14

"Kahit paano, nakahinga ka na ng maluwag kasi nahuli na si Morgan," sabi sa akin ni Janna.

"Oo. Pero hindi ko pa rin masasabing nakahinga na ako ng maluwag noong araw na nahuli si Morgan eh."

Kumunot ang noo nya. "Bakit naman?"

"Iba naman talaga ang sumasakal sa akin."

Natawa nalang si Janna at napailing.
.
.
.
"Anak, sinaktan ka ba nung taong yun?" Nag-aalalang tanong ni mama habang hawak ang mukha ko.

Kasalukuyan kaming nasa presinto kung saan kinulong si Morgan.

"H-Hindi po."

"Oh Jusko. Ang baby ko.." Niyakap ako ni mama sa labis na pag-aalala.

Napatingin ako kay Wendy at nakita kong natatawa sya habang nakatingin sa amin ni mama.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Justine, sabihan mo kaagad kami sa susunod na may nagbabanta sayo ng ganyan ha," sabi pa ni papa.

"S-Sige po."

Lumapit si mama kay Wendy. "Wendy, hija, salamat sa pagprotekta mo sa anak ko ha."

Ngumiti si Wendy. "Maliit na bagay, tita."

Napangiwi nalang ako.
.
.
.
"Isipin mo, naisip nilang lahat na prinotektahan ako ng malditang kikay na yun. Eh kung tutuusin, sya ang dahilan kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ko," sabi ko kay Janna.

"Hayaan mo na. Kung tutuusin, pareho naman kayong nalagay sa panganib ang buhay."
.
.
.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin ng opisina ang daddy ni Wendy na si General Sandoval.

"General, anong balita?" Tanong sa kanya ni papa.

"Mananatili na muna dito sa himpilan namin ang batang yun habang inaakyat sa korte ang mga isasampang kaso sa kanya."

Tumayo si Wendy. "Tetestigo ako!" Napatingin sya sa akin at tiningnan ako na parang nagbabanta.

Tumayo nalang din ako. "S-Sige. Tetestigo rin ako."

"Wendy, Justine, maaaring makatulong ang pagtestigo ninyong dalawa. Pero mas maganda kung ang taong tumestigo sa kanya ay ang mga taong nasaktan nya."

Napapadyak si Wendy sa inis. "Pero dad, sinaktan nya ako! Nag-uwi sya ng babae sa bahay nila nung kami pa at nasaktan ng sobra ang damdamin ko!"

Nalaglag ang panga ko sa aking narinig at napatingin sa kanya.

"Kaya dapat ikulong lahat ng mga lalaking manloloko! Ikulong!" Tapos tumingin sya sa akin na tila ako ang tinutukoy.

Napaiwas nalang ako ng tingin at napakamot sa ulo.
.
.
.
"Nagawa pang humugot ng gaga," nakangiwing sabi ni Janna.

Natawa naman ako. "Alam mo bang natakot ako noong time na yun?"
.
.
.
"Nakakainis! Totoo namang sinaktan ako nung gagong Morgan na yun eh," inis na sabi ni Wendy habang katabi ko sya.

"H-Hindi nga daw pwedeng emotionally. Ang kailangan ay yung mga taong nasaktan nya ng pisikal," sabi ko nalang.

"Arrrgg! Kailangan ba talagang pisikal?!"

"Oo. K-Katulad ng ginagawa mo sa akin. P-Pwede kitang ipakulong."

Tumingin sya sa akin ng matalim. "Anong sabi mo?!"

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon