7. #BoyfriendGirlfriend

706 35 2
                                    

Chapter 7

"A-Ako po si Justine Hernandez."

Tiningnan ako ng katulong mula ulo hanggang paa. "Ikaw na yun?"

Tumango naman ako.

Agad nyang binuksan ang gate. "Tara na doon sa loob, doon mo na hintayin si Maam Wendy." Tumalikod sya sa akin at lumakad papasok ng bahay.

Agad ko naman syang sinundan.

"Ikaw na pala yung bagong boyfriend ni Maam Wendy, akala ko pa naman yummy."

Hindi ko nalang sya pinansin.

Hanggang sa nakarating kami sa sala.

"Maupo ka muna dyan, mamaya bababa na si maam Wendy." Tapos lumakad na sya paalis.

Naupo ako sa sofa at doon hinintay si Wendy.
.
.
.
"Anong ginagawa mo doon sa bahay nung Wendy na yun?" Tanong sa akin ni Janna.

"Dahil girlfriend ko na sya, gusto nyang susunduin ko sya sa kanila kapag papasok at ihahatid ko rin sya kapag uuwi."

"Aba! Boyfriend ba hanap nya o driver?"
.
.
.
Napatingin ako sa relo ko. Mag-iisang oras na akong naghihintay pero hindi ko pa rin nakikita ang malditang kikay.

Ayaw kong ma-late sa class ko kaya minabuti kong umalis na.

Tumayo ako at lumakad palabas ng bahay pero agad rin akong napahinto.

"Saan ka pupunta?"

Lumingon ako sa nagtanong at nakita ko si Wendy na nakatayo sa gitna ng hagdan. Nakataas na naman ang kanyang isang kilay.

"Umm... papasok sa school?"

"Nang hindi ako kasama?"

"S-Syempre kasama ka."

Inirapan nya ako. Lumakad sya pababa ng hagdan tapos nilagpasan ako.

Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Bitbitin mo." Hinagis nya sa akin ang bag nya.

Kamuntikan ko pa itong hindi masalo. Napahawak ako sa ilong ko nang matamaan ito ng bag.

Huminto sya sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng isang van. Tiningnan nya ako ng seryoso.

Nagtaka ako sa mga tingin nya.

Biglang tumaas ang isa nyang kilay. "Baka gusto mo akong pagbuksan ng pinto?"

"S-Sorry." Agad ko syang pinagbuksan ng pinto ng van. Nang makapasok sya sa loob ay agad ko rin itong sinara.

Sumakay naman ako sa bandang unahan ng van sa tabi ng driver.

"Alis na tayo, maam?" Tanong nung driver.

Hindi naman sumagot si Wendy na nasa bandang likuran.

Ako nalang ang sumagot. "Alis na po tayo, kuya."

Paandarin na sana ng driver ang van nang magsalita si Wendy.

"Hindi tayo aalis."

Tumingin ako sa kanya. "Wendy naman, male-late na tayo," inis kong sabi.

Tumaas na naman ang kanyang isang kilay. "Boyfriend kita, di ba?"

"O-Oo?"

"Bakit wala ka sa tabi ko?"

Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo. Sinunod ko nalang ang kanyang gusto. Bumaba akong muli ng van at doon naupo sa tabi nya.
.
.
.
"Babe naman kasi, boyfriend ka nga eh. Bakit hindi ka tumabi sa kanya?" Natatawang tanong ni Janna.

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon