30. #DoubleDate

353 15 0
                                        

Chapter 30

"Janna, napadala mo na ba kay Mister Rosales yung account number ko?" Tanong ko.

"Oo. Pumunta sya dito kahapon." Bumalik sya sa sala dala ang meryenda na ginawa nya.

"Hopia na naman?"

"Ano? Nagsasawa ka na sa hopia ko?" Inis nyang tanong.

Napakamot ako sa ulo. "H-Hindi naman sa ganun. Pero sana naman iba naman ang ginawa mo."

"Edi wag kang kumain." Inirapan nya ako at mag-isa syang kumain ng gawa nyang hopia.

Natawa nalang ako at napailing.

"Hindi porke masaya ka sa lovelife mo noon, pagsasawaan mo na ang hopia ko."

Napakunot ang noo ko. "Anong konek ng hopia na yan sa kwento ko?"

Muli nya akong inirapan. "Edi doon ka na magpagawa ng hopia sa Wendy mo."

Napabuntong hininga nalang ako.

"So ano? Edi na-inlove na din sayo ang malditang kikay?"

"H-Hindi ah. H-Hindi ko alam. Pero sigurado ako noon sa nararamdaman ko para sa kanya."

"Eh di ba girlfriend mo naman kasi sya?"

Napatingin ako sa kanya. "Alam mo naman na hindi seryoso ang namamagitan sa aming dalawa, di ba? That relationship was just the result of our first kiss."

"Pero nakatatlong halik ka na sa kanya."

"Tatlo?"

"YUNG KISS-A-GIRL CHALLENGE! NUNG LASING KA! AT YUNG NAKAW NA HALIK MO SA KANYA!" Galit nyang sigaw.

"Ahehe... oo nga pala."

Napabuntong hininga sya. "Hayaan mo, susubukan ko ring ikwento sayo ang love life ko noon." Ngumiti sya sa akin. "Pero bago ang lahat, tapusin mo muna ang kwento mo."

Natawa nalang ako at napailing. Huminga ako ng malalim at tumingala. "Sa mga sumunod na araw, lalo akong nabaliw sa kanya. Para bang.... p-para bang bawat oras na kasama ko sya, tumitigil ang tibok ng puso ko. Nakikita ko ang ngiti sa mga labi nya, pero alam kong dulot  lang yun ng saya sa tuwing magkasama kaming dalawa."

"Eh yung sayo?"

"Yung ngiti sa labi ko, buhat yun ng nararamdaman ko para sa kanya."
.
.
.
"Quiet, class!" Tumingin sa amin ang theology professor namin. "Go ahead, Justine and Wendy."

Huminga ako ng malalim. "N-Nang halikan ko si Kikay, N-Nanganib ang aking buhay. Si Nerdy Boy na walang malay.....napasok sa malaking gulo at away."

Napatingin ako sa kanya pero inirapan nya ako.

"Hinalikan ako ng nerd na tanga, nakakadiri, punyeta!"

Nagtawanan ang buong class.

"Ang bantot ng kanyang hininga, sobrang nakakasuka." Tapos sumabay ang tawa nya sa buong class.

Napabuntong hininga ako. "Kapag galit si Kikay, hindi ako maaaring sumabay. Siguradong manganganib ang aking buhay. Ayaw kong mamatay, sa kamay ng isang malditang Kikay."

"ANONG SABI MO?!"

"Woohoo! Away na yan!"

"Magbe-break na yan!"

"Keep quiet, class!"

Napangiwi ako. "Ahehe... y-yun yung gawa natin, di ba?"

Muli nya akong inirapan. "Pero nang sya ay aking nakilala, lalo akong naloka. Sobra pala nyang tanga." Ngumiti sya sa akin. "Pero mabait naman sya."

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon