Chapter 48
"Ayan na pala yung pinsan mo eh," sabi sa akin ni Vincent nang makita naming parating si Clifford.
Natawa nalang ako sa sinabi nya. "Hindi na talaga kayo nagkasundo kahit kailan."
"Pasensya na, hinatid ko pa kasi muna si Raya doon sa bahay ng tita nya," sambit ni Clifford nang makalapit sya sa amin.
"Nag-quickie lang ata kayo eh," parinig ni Vincent.
Napatingin si Clifford kay Vincent. "Wag mo kaming itulad sa inyo ng girlfriend mo."
"Tsk. Tama na nga yan. Umorder nalang tayo," sambit ko.
.
.
.
"Anong meron?" Tanong ni Janna.
"Nagkayayaan lang na uminom sa labas."
"Eh di ba hindi ka naman mahilig uminom?"
"Hindi ko na sila tinanggihan pa." Umiwas ako ng tingin. "B-Baka kahit pansamantala, makalimutan ko sya."
.
.
.
"Aish. Oo na, sige na. Aaminin ko na. Nagkabalikan na kami ni Raya," sabi ni Clifford.
Napangiti naman ako. "Sinabi ko na sayo di ba? Hindi ka matitiis ng kababata natin."
Napabuntong hininga ako. "Mahigit dalawang buwan din akong nanuyo sa kanya para balikan ako. M-Muntik na nga akong sumuko eh."
"Pero alam kong hindi mo gagawin yun. And all your sacrifices are worth it. Congrats, Cliff."
Natawa si Clifford. "Kasal nalang ang kulang."
Natawa nalang din ako. "Darating din kayo dyan. Soon."
"Kasal? Yun ang dapat na pag-isipan ni Raya ng mabuti," sabi ni Vincent.
"Tsk. Wag ka na ngang umepal dyan. Okey na kami, kayo wag ka nang kumontra pa."
"Edi sige. Sabi mo eh."
Uminom si Clifford sa bote ng beer na hawak nya at tumingin sa akin. "Ikaw, Justine? Mabuti at pinayagan ka ni Wendy na mag-inom ngayon kasama namin?"
Natigilan ako sa sinabi nya. "Umm.."
Natawa sya. "Baka naman hindi ka nagpaalam sa girlfriend mo ha. Baka mamaya sugurin tayo nun dito."
Umiwas ako ng tingin at uminom ng beer. Pinahid ko ang aking labi at huminga ng malalim. "Nakipaghiwalay na ako kay Wendy."
Natigilan ang dalawa kong pinsan dahil sa aking sinabi.
Binigyan ko sila ng isang pilit na tawa. "Kaya malaya na ako ngayon."
"J-Justine.." Sambit ni Vincent.
"Ang maganda pa doon, hindi na ako guguluhin ni Morgan. Mababalik na ako sa dating tahimik na buhay." Ngumiti sa kanila. "Kaya wag nyo na ako masyadong intindihin dahil wala na rin namang manggugulo sa akin."
Tumingin sa akin si Clifford ng seryoso. "P-Paano na?"
Bahagya akong natawa. "Anong paano na?"
"Paano si Wendy?"
Napangiwi ako. "Wala na dapat akong pakialam sa kanya ngayong hindi na kami commited sa isa't isa."
"K-Kaya mo lang naman ginawa yan ay dahil para tigilan kayo ni Morgan di ba?" Tanong ni Vincent.
Umiwas ako ng tingin. "S-Siguro ganun na nga."
"Paano kapag nakulong na si Morgan? Saka ka makikipagbalikan sa kanya?" Tanong naman ni Clifford.
Napabuntong hininga ako. "Depende. Depende kung may babalikan pa ako. At depende kung may nararamdaman pa ako para sa kanya kapag dumating ang araw na iyon."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
