Chapter 10
"Ahhh! Dahan-dahan lang!" Hiyaw ko habang hinihilot ni Janna ang injured kong paa.
"Tingnan mo nga, hindi pa masyadong magaling ang paa mo tapos ang lakas ng loob mong mag-drive," sabi ni Janna.
"Advice nga kasi ng doctor na mas makakabuti kung ikikilos ko na itong paa ko kaysa naman magdamag lang akong nakahiga sa kwarto."
Umangat naman na si Janna at naupo sa tabi ko. "Basketball-basketball ka pa kasi, lampa ka naman."
Natawa nalang ako sa kanya.
"Babe, nung nakipag-break ka ba doon sa malditang kikay, nagkaroon ka ulit ng bagong girlfriend?"
Napakunot ang noo ko. "Sinong nagsabing nag-break kami?"
Napatingin sya sa akin. "S-Sabi mo kanina nakipag-break ka sa kanya?"
Bahagya akong natawa. "Oo nga, pero sa tingin mo ba ganun lang yun kadali?"
.
.
.
"Ummm.. W-Wendy.... magbreak na tayo."
Napahinto sya at napatingin sa akin.
Agad naman akong umiwas ng tingin. Hinintay ko ang sasabihin nya pero wala akong narinig na salita mula sa kanya.
Dahan-dahan kong binalik ang tingin ko sa kanya at napakagat ako sa labi nang makitang nakataas na naman ang kanyang isang kilay.
"Ulitin mo nga sinabi mo."
"Ah-eh, ang sabi ko....m-magbreak na tayo."
Bigla syang napatayo sa galit at hinatak ang kwelyo ko. "GINAGAGO MO BA AKO?!"
"S-Sir oh... Si Wendy...nagagalit."
"Wendy.. you don't have to get mad," sabi ni Sir France.
Napahinto si Wendy. Ngumiti sya sa akin ng sarcastic pero nanatiling hawak ang kwelyo ko. "Ahehe... ikaw naman, hindi naman ako nagagalit eh." Hinawakan nya ako sa pisngi. "Bakit naman kasi bigla kang nakikipag-break?"
Hindi naman ako nakasagot dahil sa mga titig nya sa akin na nakakatakot.
"Sige, babe. Give me at least one reason kung bakit ka nakikipag-break sa akin."
Umiwas ako ng tingin. "Umm... it's not working anymore?" Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
Ngumiti sya. "Gusto mo ng bugbog pa-more?"
"Ahehe.." Sabi ko nalang.
"SUMAGOT KA!"
"Waaaa! Sir oh.."
"Wendy, stop it."
"Ahehe... itong boyfriend ko talaga, hindi na mabiro." Inayos nya ang kwelyo ko at ngumiti sya sa akin.
"S-Salamat."
"Halika na, babe. Uwi na tayo," sabi ni Wendy.
"Ahehe... u-una ka na, d-dito na muna ako."
"Ang sabi ko, umuwi na tayo."
"Sige na Justine, maaari na kayong umuwi ni Wendy. Pumasok na kayo next meeting ha."
"Sige po, sir. No problem," nakangiting sagot ni Wendy. "Halika na, babe."
"Sir France!"
Napahinto naman sya. "Yes, Justine?"
"Ahehe... kwentuhan muna tayo."
"Pasensya na. Maybe some other time, I have to do a lot of things."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
UmorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
