Chapter 49
"Noong mga oras na nakita ko si Wendy, hindi ko naiwasang magalit sa sarili ko," sabi ko kay Janna.
Tumingin sya sa akin ng seryoso.
Napabuntong hininga ako. "Nagalit ako sa sarili ko, nagalit ako sa katangahan at kagaguhan na nagawa ko sa kanya. Kasalanan ko... kasalanan ko kung bakit iyon nangyari sa kanya."
"Ang mahalaga naman pinuntahan mo pa rin sya. Pinuntahan mo sya dahil mahal mo sya."
"Kahit walang kasiguruhan. Kahit kapahamakan ang pinasok ko, ginawa ko para sa kanya. Para sa nararamdaman namin sa isa't isa."
.
.
.
Muli kong pinahid ang mga luha nya at tinitigan sya sa mata."J-Justine.." Sambit nya habang patuloy na umiiyak.
Lalo pa akong napaiyak at hinalikan sya sa noo. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi. "Tahan na.. n-nandito na ako. H-Hindi ka na nila sasaktan."
"TAMA NA YANG DRAMA NA YAN!" Sigaw ni Morgan.
Huminga ako ng malalim at hindi binitiwan si Wendy.
Hanggang sa hinatak ni Morgan ang buhok ni Wendy papunta sa kanya.
"J-Justine," takot na takot na sabi ni Wendy.
"Morgan," sabi ko.
Hanggang sa sinampal ni Morgan si Wendy.
"TAMA NA!" Sigaw ko. Lalapit pa sana ako sa kanila para kunin si Wendy pero hindi ako hinayaan ng mga tauhan ni Morgan na makalapit.
"Tingnan mo kung gaano ako kasabik sa kanya," sabi ni Morgan.
"J-Justine.." Lalong humagulgol sa pag-iyak si Wendy nang pilit syang hinuhubaran ni Morgan.
"WAAAGG! TAMAA NAA!" Sigaw ko na may kasamang pagmamakaawa.
Pero hindi nagpaawat si Morgan.
"BITIWAN MO SYA!" Sigaw ko habang hawak ang aking dala.
Natigilan silang lahat.
"Bitiwan mo sabi sya!" Ulit ko pa habang tinututok ang baril kay Morgan.
Tinawanan nya ako at hindi ginawang bitiwan si Wendy. "Nerdy Boy, alam mo ba kung paano paputukin yan?"
BANG!
Bahagya silang napadapa nang paputukin ko sa itaas ang baril.
"Nerdy Boy!" Galit na sabi ni Morgan.
Nang akmang lalapit sa akin ang mga tauhan ni Morgan, muli kong tinutok sa kanya ang baril.
"Sige! Subukan nyong lumapit! Pasasabugin ko ang bungo ni Morgan!" Banta ko sa kanya.
Hindi naman na nila magawang makalapit sa kanila.
Tumingin ng seryoso sa akin si Morgan at tumawa. "Ano ba ang gusto mong mangyari?"
"BITIWAAANN MO SYAAA!" Malakas kong sigaw at muling nagpaputok ng baril paitaas.
Wala naman nang nagawa si Morgan kundi bitiwan si Wendy.
Agad na tumakbo palapit sa akin si Wendy at itinago ko sya sa aking likuran.
"Wag kayong lalapit!" Utos ko sa kanila.
Mahigpit ang kapit ni Wendy sa aking kaliwang braso marahil sa sobrang takot.
Unti-unti kaming umatras para umalis.

BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.