Chapter 40
"I love you." Hinawakan ko ang pisngi nya at agad syang hinalikan sa labi.
"My God! Ano ba naman yan, guys," reklamo ni Francine nang mapatingin ito sa amin.
Marahan naman akong tinulak ni Wendy sa dibdib at umiwas.
Nakangiwi naman si Andrea. "Wala na kayong ginawa kundi maghalikan."
"Si...Si Justine kasi eh." Namumula pa si Wendy na para bang hiyang-hiya sa nangyari.
"Tsk. Eh ano naman? Girlfriend ko naman sya, di ba?" Giit ko.
"Oo, girlfriend mo nga sya. Pero wag naman palagi, tapos sa harap pa namin. Hindi ba kayo natatakot na maubos ang mga labi nyo? My Gosh." Umirap pa sa akin si Andrea.
"Bakit kasi nandito ka? Napag-usapan namin kahapon na bawal magsama ng boyfriend ah," inis na sabi ni Francine.
"Malamang, si Wendy rin mismo ang nagsama sa kanya," dagdag pa ni Andrea.
Humarap si Wendy sa kanila. "H-Hindi naman sa ganun, girls. N-Naisip ko lang kasi na baka may maitulong sa atin si-"
"Assuuss.. nagdahilan pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang palaging kasama si Justine sa lahat ng lakad mo. Hindi ka ba makakalakad kapag di mo yan kasama?"
"Tsk. Ano bang problema nyo sa amin ng girlfriend ko? Naiinggit ba kayo sa amin?"
"Duhhh.. bakit kami maiinggit sa inyo?"
"Kasi hindi kayo palaging sinasamahan ng boyfriend nyo."
"Hindi namin sinama ang mga boyfriend namin dahil yun ang napag-usapan kahapon. Dapat kaming apat lang. Kaya nga ako nagtataka kung bakit nandito ka eh."
"Bakit? Sa tingin nyo ba papayagan kong sumama si Wendy sa inyo nang hindi ako kasama?"
"Eh bakit hindi? Yung daddy nga nya pinayagan sya tapos ikaw lang na boyfriend ang magbabawal na sumama sya sa amin?"
"Justine, hayaan mo na nga kasi sila," inis na sabi sa akin ni Wendy.
Tumingin ako sa kanya. Hinawi ko ang buhok nya at akmang hahalikan syang muli pero agad syang umiwas.
Napabuntong hininga nalang ako. "Masyado kang nagpapaapekto dyan sa mga sinasabi ng kaibigan mo."
.
.
.
"Ano ba naman kasi, kahit sino namang kaibigan maiirita kung palagi nalang kayong naghahalikan sa harapan nila," natatawang sabi ni Janna.
"Eh anong magagawa ko? Masyado kaming inlove ni Wendy sa isa't isa noong mga panahon na yun."
"Kahit pa. Pwede namang magpigil hindi yung maghahalikan kayo kahit kailan nyo gusto."
"Hindi mo kasi naiintindihan."
"Anong hindi ko naiintindihan?"
Umiwas ako ng tingin. "B-Baka naman kasi hindi mo nasubukang ma-inlove nung kabataan mo."
"Ang kapal mo ha."
.
.
.
"Si Wendy?" Tanong ko kay Ramona nang pagbuksan nya ako ng gate.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Pormang-porma ah. Saan ang lakad nyo?"
"M-May date kami ngayon."
Tumalikod sya sa akin at lumakad papasok sa loob. "Okey. Pero hindi ka pa rin gwapo."
Napakamot nalang ako sa ulo at agad nang sumunod sa kanya.
Naupo ako sa sala at doon na piniling hintayin si Wendy. Hanggang sa narinig ko na ang boses nya.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
