Chapter 34
"Hindi ko akalain na magagawa yun ni Wendy kay Raya dahil sa galit nya," sabi ko kay Janna.
Tumingin sya sa akin ng seryoso. "Nagalit ka kay Wendy?"
"Mahirap iwasan."
"Pero sya ang girlfriend mo."
"Pero sinaktan nya ang babaeng mahal ko. Dahil sa ginawa nya, para bang nawalan na ako ng pag-asa sa babaeng hinahangad ko ng mahabang panahon."
"H-Hindi ka ba nagpaliwanag kay Raya?"
Napabuntong hininga ako. "Ginawa ko."
.
.
.
"RAAYAAA!" Sigaw ko habang nasa labas ng gate nila. Nakailang doorbell na ako pero wala pa ring taong lumalabas. "Raya! Mag-usap tayo!"
"Nakita mo ba si Carlos?"
Napahinto ako sa aking narinig at lumingon sa aking likuran. Nakita ko si Pinky habang hawak ang kanyang pink na bola.
"H-Hindi ko sya nakita eh."
Inirapan nya ako. "Walang kwenta." Tumalikod sya at agad nang lumakad.
"Pinky, sandali lang," sabi ko na agad syang sinundan.
Huminto naman sya at humarap sa akin habang nakataas ang isang kilay.
"Umm.. nasaan ang Ate Raya mo?"
"Ayaw ko ngang sabihin sayo."
Napabuntong hininga ako. "Kailangan kong makausap ang ate Raya mo kaya sabihin mo na kung nasaan sya."
"Okay fine. Sa isang kondisyon."
"A-Anong kondisyon?"
"Kapag sinabi ko sayo kung nasaan si Ate Raya, tutulungan mo naman akong hanapin si Carlos."
"S-Sige.. walang problema."
Muli nya akong inirapan at tinalikuran. "Sumunod ka sa akin."
.
.
.
"Hindi kaya sinasadya ni Raya na iwasan ka noong panahon na yun?" Tanong ni Janna.
"Yun naman talaga ang inaasahan ko eh. Nagsinungaling ako sa kanya. Nanliligaw palang ako pero parang niloko ko na kaagad sya."
.
.
.
"Nasaan ba si Raya?" Tanong ko kay Pinky habang patuloy kaming naglalakad.
"Basta. Sumunod ka nalang."
"N-Niloloko mo na ata ako eh."
Hanggang sa nakita nya sa playground ang kanyang kalaro. "CAARRLLOOOSS!" Tuwang-tuwa nyang sigaw na agad tumakbo palapit dito.
"Sandali lang, Pinky!" Hinabol ko sya pero hindi na nya ako pinansin pa. Napabuntong hininga nalang ako.
Wala na akong nagawa kaya minabuti kong umuwi nalang. Pero sa pagtalikod ko, nakita ko si Raya na nakaupo sa duyan at nag-iisa.
Huminga ako ng malalim at agad na lumakad palapit sa kanya. "R-Raya.."
Napahinto sya nang makita nya ako at agad ding umiwas ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?" Walang gana nyang tanong.
"G-Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko at sa.... sa nagawa ni Wendy sayo."
"Please, Justine. Wag muna ngayon." Huminga sya ng malalim. "Gusto ko munang mapag-isa."
Napabuntong hininga ako at naupo sa isa pang bakanteng duyan na nasa tabi nya. Tumingin ako sa kanya pero hindi nya ako nililingon. "Im sorry."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
