Chapter 29
"Kamusta naman kayo ng anak ko?" Tanong sa akin ni General Sandoval nang imbitahan nila akong mag-dinner sa labas.
"O-Okey lang po," kabado kong sagot.
"What does okay mean?"
"Ah-eh.. a-ano po.."
"Happy kami, dad." Sabat ni Wendy sa usapan.
"Happy because?"
Huminga ako ng malalim. "Unexplainable happiness po."
Napangiti sa akin si Wendy. Ngumiti lang din ako sa kanya kahit sobrang kaba na ang aking nararamdaman.
Lalong naging seryoso ang tingin sa akin ni General Sandoval. "Baka naman nilalamutak mo na ang anak ko kapag wala kami ng mommy nya."
Nalaglag ang panga ko sa aking narinig. "Po?"
"Dad naman," inis na sabi ni Wendy.
"Ahehe... h-hindi ko po magagawa yun sa anak nyo."
"At bakit naman?"
Napasulyap ako kay Wendy at tiningnan nya ako na parang nagbabanta.
"M-Mamamatay po ako."
Kumunot ang noo ng mga magulang ni Wendy. "Mamamatay?"
"Ahehe... unexplainable po ulit."
Ngumiti ang mommy ni Wendy. "Hon, wag mo na ngang tinatakot ang boyfriend ng anak natin. Alam naman natin na mabait yang anak ni Julio."
"Yeah, I know, I know. Pero sana wag mong sasaktan ang anak ko ha."
"K-Kay Wendy po."
"Anong kay Wendy?"
"Ahehe... kay Wendy nyo po sabihin yan."
Sa harap ng mga magulang nya, bigla nya akong binatukan.
"Wendy!" Saway sa kanya ng mga magulang nya.
"Ahehe... s-sabi na sa inyo eh. Sa anak nyo po dapat sabihin yan."
.
.
.
"Siguro kaya lalo kang tumalino dahil sa mga pambabatok na ginawa sayo ng malditang kikay na yun noon," inis na sabi ni Janna.
Bahagya akong natawa. "Sanayan lang lahat yan."
"Nakakaloka! Biruin mo, sa harap ng magulang nya, pinakita nyang under ka sa kanya."
"Alam mo ba na inimbitahan rin sya nina mama na mag-dinner sa bahay?"
"Edi binawian mo sya?"
"Sa ugali nya sa tingin mo magagawa kong gumanti?"
"So anong nangyari?"
Napabuntong hininga ako.
.
.
.
"Wag po kayong mag-alala, tita. Babantayan ko pong mabuti si Justine," tuwang-tuwa na sabi ni Wendy habang nagdi-dinner kami sa bahay.
"Naku, salamat, Wendy ha. Alam mo naman ang mga kabataang lalaki ngayon, napakaraming kalokohan."
"Subukan lang po nyang gumawa ng kalokohan," banta ni Wendy.
"Isumbong mo kaagad sa akin ha."
"Syempre naman po. Hinding-hindi po makakawala sa mga mata ko yang si Justine. Takot lang talaga nya."
Napabuntong hininga ako. "Hindi pa ba kayo tapos? Hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa mga sinasabi nyo eh."
Nag-smirk si Wendy sa akin. "Nandyan ka pala?"
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
