3. #HisWays

1K 34 9
                                        

Chapter 3

"Gusto mong chocolate?" Tanong ko kay Raya habang nasa classroom kami sa isa naming subject.

Ngumiti naman sya. "Thank you. Saan galing ito?"

"Umuwi kasi ang tita ko galing France."

"Ganun ba? Infairness, masarap itong chocalate ha."

Napangiti ako at pinagmasdan sya habang kinakain nya ang tsokolate na binigay ko.
.
.
.
"Napaka ganda talaga ni Raya," nakangiti kong sabi.

Nag-smirk si Janna. "Hindi mo naman sya nakatuluyan."

Napatingin ako sa kanya. "At least natikman ko sya."

Nanlaki ang mata ni Janna. "Ang pervert mo!" Inis nyang sabi kasabay ng pagkurot sa braso ko.

"Ahhh! Biro lang."

Tiningnan nya ako ng matalim. "Yung totoo?"

"Tsk. Ganun bang klaseng lalaki ang tingin mo sa akin?"

Unti-unting napangiti si Janna.
.
.
.
"Raya, umm... sinagot mo na ba si Clifford?"

Napatingin sya sa akin. "Hindi pa eh."

"Bakit naman?"

"Hmmm... para kasing may hinahanap ako sa pagkatao nya na hindi ko makita."

"Tulad ng?"

"Ummm.. ano ba, tulad nalang siguro ng oras."

"O-Oras?"

"Paano ba naman kasi, nililigawan nya ako pero mas madalas nya pang kasama ang mga kaibigan nya kaysa sa akin."

"G-Ganun ba?"

"Mas marami ka pa ngang oras sa akin kaysa sa kanya eh."

Natigilan ako sa sinabi nya. "A-Ako?"

"Oo. Di ba?" Natatawa nyang sagot.

Natawa nalang din ako habang nakatingin sa nakangiti nyang mukha.

"Umm... maganda ka pala talaga, ano?" Sambit ko.

"Thank you."

Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanya. Hanggang sa unti-unting naging seryoso ang mga tingin namin sa isa't isa.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya.
.
.
.
"Si Raya ang first kiss mo?!" Gulat na tanong ni Janna.

Napakamot ako sa ulo. "Sana.."

"A-Anong sana?"
.
.
.
Nakatitig ako sa mga mata ni Raya ng seryoso at ganun din sya sa akin. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko para halikan sya nang biglang...

"CLASSMATES!"

Napabalikwas ako nang biglang may sumigaw.

Nakita ko ang babaeng kapapasok lang ng classroom. Napakunot ang noo ko nang muli ko syang makita.

"YESSS! UWIAN NA! MAY SAKIT SI SIR!" Tuwang-tuwa nyang sigaw.

"Woohoo!" Sigaw naman ng buong klase.

"Grabe, sana hindi pa sya gumaling hanggang next week! Partyy naa!"

Sya yung babaeng malditang kikay na kaibigan ng girlfriend ni Boss Morgan. Yung babaeng nambully sa akin sa park at nanghampas ng bulaklak sa akin kahapon.
.
.
.
"Sya na naman?" Inis na tanong ni Janna.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon