9. #LiarJustine

631 27 5
                                        

Chapter 9

"Ano yan?" Mataray na tanong sa akin ng katulong nina Wendy.

Napatingin ako sa hawak kong paper bag. "Ummm... p-para kay Wendy."

Napangiti sya. "Wow! Ang sweet mo naman palang boyfriend." Tapos pinagbuksan nya ako ng gate. "Pero hindi ka pa rin gwapo." Tumalikod sya sa akin at lumakad papasok ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako at agad ring sumunod sa kanya papasok sa loob.
.
.
.
"Bakit parang ang epal ng katulong na yun?" Nagtatakang tanong ni Janna.

"Ewan ko ba doon. Siguro hindi pa sya nagkakaroon ng boyfriend kaya ganun."
.
.
.
"Maam Wendy, nandito na si Justine."

Agad ko namang nakita si Wendy na nag-eehersisyo sa running machine. Huminto sya nang makita nya ako at nagpunas ng pawis. "Napaaga ka ata," mataray nyang sabi.

"May lakad kasi ako mamayang gabi."

Napahinto sya at napatingin sa akin. "Saan ang punta mo?"

"Umm.. birthday ng kaibigan ko nung highschool. Ite-treat nya kami sa labas."

Tumaas ang kanyang isang kilay. "Pinayagan ba kita?"

"P-Pero hindi ako pwedeng mawala. Kababata ko yun."

Inirapan nya ako at nag-cross arms sya. "Okay fine, tutal may lakad din naman ako mamayang gabi, papayagan kitang sumama sa mga kaibigan mo."

"S-Salamat."

"Pasalamat ka, mabait akong girlfriend."

"Talaga ba?"

Napatingin sya sa akin. "Anong sabi mo?"

"W-Wala. Saka nga pala, heto na yung bagong bag mo." Inabot ko naman sa kanya ang hawak ko.

Agad nya itong binuksan. "Original ba ito?" Mataray nyang tanong.

"S-Syempre naman. Binili ko yan kahapon sa greenbelt."

Napangiti sya nang makita nya ang bago nyang bag. "Mabuti naman at alam mo ang kulay na gusto ko."

"Umm.. nagustuhan mo ba?"

Inirapan naman nya ako. "Oo na, sige na. Nagustuhan ko. Maaari ka nang umalis."

Napangiti naman ako at agad na akong lumakad paalis.
.
.
.
"Niregaluhan mo sya ng bag?" Tanong ni Janna.

"Hindi ko yun regalo sa kanya. Yun ang kapalit ng nasira nyang bag."
.
.
.
"Anong masasabi mo?" Nakangiting tanong sa akin ni Raya.

"Masarap. Magaling ka palang gumawa ng cake," sagot ko.

"Mabuti ka pa naa-appreciate mo. Nung si Clifford ang tumikim ng gawa ko, parang hindi nya nagustuhan."

"Ganun lang talaga sya. Mas hilig kasi ni Clifford ang maaanghang na pagkain kaysa sa mga ganitong matatamis."

"Ganun ba?"
.
.
.
"Teka nga, nasaan ka nun?" Nagtatakang tanong ni Janna.

"Nasa bahay nina Raya."

"Akala ko ba birthday ng kaibigan mo?"

Hindi naman ako nakasagot.

"Nagsinungaling ka sa malditang kikay?"

"Bakit, sa tingin mo papayagan nya ako kapag sinabi ko sa kanyang kila Raya ako pupunta?"

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon