Chapter 39
"Masarap ba ang halik ng malditang kikay?" Tanong sa akin ni Janna.
Natigilan ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya.
"Sagutin mo kaya ang tanong ko."
"Wala nang mas sasarap pa sa halik ng taong mahal mo."
Inirapan nya ako. "So minahal mo pala talaga sya."
"S-Syempre naman. H-Hindi ko naman sya seseryosohin kung hindi ko sya minahal noon eh."
.
.
.
Nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Wendy nang makarating ako sa school registrar. Ngunit nahirapan akong hanapin sya dahil sa sobrang dami ng tao.
Hanggang sa nakita ko ang isa naming kaklase. "Sam, nakita mo ba si Wendy?".
"Kanina parang nakita ko syang kasama ang mga kaibigan nya."
"G-Ganun ba? Sige, salamat." Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at minabuting tawagan nalang sya.
Agad rin naman nya itong sinagot. [Babe?]
"Nandito na ako sa school, babe. Nasaan ka?"
[Nandito nga sa registrar.]
"Hindi kita mahanap. Sobrang daming tao. Nandito ako sa tapat ng admission office."
[Okay, I saw you already.]
Lumingon ako sa likuran at nakita ko sya kasama sina Monica at Andrea.
Ngumiti ako sa kanya nang makalapit sya sa akin at agad syang hinalikan sa labi. "Tapos ka na mag-enroll?"
Pero tila natigilan sya at umiwas ng tingin.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"W-Wag naman dito," nahihiya nyang sabi. Nagmasid-masid pa sya sa paligid.
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Ang dami-daming tao."
"Eh ano ngayon? Alam naman nilang lahat na boyfriend mo ako."
"K-Kahit pa. Baka isipin ng iba, masyado tayong P.D.A."
Natawa nalang ako at napailing. "Edi gumaya sila kung gusto nila. Hahalikan kita kahit saan at kahit kailan ko gugustuhin."
.
.
.
"Hindi ka na nahiya," sabi ni Janna na inirapan pa ako.
"Bakit naman ako mahihiya?"
"Tama bang makipaghalikan sa harap ng maraming tao?"
"Aish. Smack lang naman yun. At saka nakasanayan ko lang naman gawin yun sa tuwing magkikita kami."
"Kahit pa."
Nag-smirk ako sa kanya. "Nagseselos ka lang ata eh."
"H-Hindi ah."
"Hindi talaga? Eh kapag hinahalikan kita sa public place, hindi ka naman nagagalit ah."
Hindi naman sya nakasagot. Natawa nalang ako at napailing.
.
.
.
Lumapit ako sa isang food stall sa school cafeteria. "Miss, isa ngang-"
"Vegetable salad, sir?" Nakangiting pagtutuloy ng babaeng crew.
Napahinto ako at bahagyang natawa. "Yun nga ang order ko."
"Para sa exgirlfriend nyo na girlfriend nyo na ulit."
Kumunot ang noo ko. "P-Paano mo nalaman?"
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
