Chapter 20
"Just give me chicken macaroni salad," sabi ko sa waiter.
"Sige po, sir. Kayo po, maam?"
"I want this, also this. Pati ito na rin," sabi ni Wendy sa waiter habang nagtuturo sa menu. "Masarap ba ito?"
"Of course, maam."
"O sige, isama mo na rin yan. Thank you."
Napangiwi ako. "H-Hindi ka diet ngayon?"
"Diet pa rin."
"S-Sa lagay na yan?"
"NANG-AASAR KA BAA?!"
"Ahehe... b-biro lang."
Inirapan nya ako. "First real date natin, tapos gaganyanin mo ako. I hate you!"
Natawa nalang ako at napailing habang nakatingin sa kanya.
.
.
.
"Ano ba naman yun, babe. Minsan na nga lang kayong mag-date ng totoo, tapos aawayin ka pa nya," natatawang sabi ni Janna.
Natawa nalang din ako. "Doon na rin naman ako nasanay eh."
.
.
.
"Awww... how sweet," tuwang-tuwa na sabi ni Wendy nang may tumugtog na violin sa tabi namin habang kumakain kami.
Napangiti nalang din ako.
Tumingin sa akin si Wendy. "Nasurpresa mo ako ng sobra. Thank you."
"Ha? Ahehe... h-hindi ako ang may pakana nyan."
Kumunot ang noo nya. "Eh sino?"
"Maam, tumutugtog po talaga kami sa lahat ng customer namin."
Padabog na dinampot ni Wendy ang kanyang tinidor. "Punyeta naman oh. Akala ko pa naman surpresa ng boyfriend ko."
Napakamot nalang ako sa ulo.
.
.
.
Tawa ng tawa si Janna. "Feelingera din pala ang malditang kikay na yun."
"Kahit naman ako nagulat eh. Akala ko, ako ang sinurpresa nya."
.
.
.
"Go Justine!" Cheer sa akin ni Wendy habang nagsu-shoot ako ng bola sa isang arcade.
Halos hingal na hingal ako nang maubos ang oras. "A-Ayan na, ang dami ko nang na-shoot."
"Waaa! Thank you." Pinasok nya ang card para kunin ang points ng game. "Tara na, ipapalit na natin doon sa teddy bear."
Agad naman akong sumunod sa kanya.
"Ano po ang kukunin nyo, maam?"
"Ayun! Yung malaking teddy bear na pink."
Nang i-check ang card namin, agad itong binalik sa amin. "Kulang pa po ang points nyo, maam."
"G-Ganun ba? O sige, maglalaro na muna kami," sabi ni Wendy tapos muling naglakad.
Sumunod rin ako kaagad sa kanya.
"Justine, kulang pa rin ang points. Mag-shoot ka ulit ng bola."
"Ano?! P-Pagod na ako eh." Napakamot ako sa ulo.
"Eh sinong magsu-shoot?! Ako?!" Galit nyang tanong.
Wala naman na akong nagawa kaya sinunod ko nalang sya.
"Bilisan mo, Justine! Para marami tayong makuha na points! Woohoo!"
"Arrggg! Pumasok ka naman!" Inis kong sabi nang hindi ako maka-shoot ng bola sa ring.
"GO JUUSSTIINNEEE! ONE BIG FIGHT!"
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
