Chapter 35
Hinatid ko si Raya pauwi sa kanila, pero sa layo ng nilakad namin, nanatili syang tahimik at hindi nagsasalita.
Huminga ako ng malalim at sinubukang magsalita. "R-Raya.."
Hindi sya sumagot, hindi rin nya nagawang tumingin sa akin.
Napabuntong hininga nalang ako.
Hanggang sa wakas ay narinig ko sya. "Ano ang sinabi nya?" Mahina nyang tanong.
Napatingin ako sa kanya. "P-Pinakiusapan ko sya na humingi ng tawad sayo. P-Pero patuloy pa rin syang nagmatigas."
"Y-Yung tungkol sa inyong dalawa.."
Muli akong napabuntong hininga. "Sinabi ko na sa kanya."
"Hindi sya pumayag?"
Saktong nakarating kami sa tapat ng bahay nila. Humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng seryoso. "B-Bukas.. bukas ang huling araw ko bilang boyfriend nya."
Napatingin sya sa akin.
"Pagtapos nun, m-malaya na ako." Ngumiti ako sa kanya. "Itutuloy ko na ang pagtakbo ko patungo sa puso mo."
Unti-unti syang napangiti.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nya sa mukha. Hinalikan ko sya sa noo at niyakap ng mahigpit.
.
.
.
"Kahit na hindi naging maganda ang araw namin ni Raya dahil sa panggugulong ginawa ni Wendy, naging masaya pa rin ako dahil nakita kong binigay ni Raya ang buong tiwala nya sa akin," sabi ko kay Janna.
"Kasi hangad din nya na maging malaya ka."
Ngumiti lang ako sa kanya.
.
.
.
"Ginabi ka na naman ah," sabi ni Mama Fe.
"H-Hinatid ko lang po si Wendy sa kanila."
"Si Wendy nga ba o si Raya?"
Napahinto ako sa tanong ni Mama Fe.
Napabuntong hininga sya at tiningnan ako ng seryoso. "Simula bata ka, ako na ang nag-alaga sayo at alam kong lumaki kang mabuting bata. Pero bakit mo ginagawa mo yan ngayon?"
"M-Mama Fe.."
"Bakit niloloko mo si Wendy?"
Napayuko ako. "P-Patapos na po ang sa amin ni Wendy."
"A-Ano?" Gulat nyang tanong.
"Umm.. inaantok na po ako." Umiwas ako ng tingin at agad nang umakyat sa aking kwarto.
Binagsak ko ang aking katawan sa kama dahil sa sobrang pagod. Napabuntong hininga ako habang nakatingala sa kisame ng aking kwarto.
Napatingin ako sa phone ko nang maka-receive ako ng notification sa facebook.
'Wendy Sandoval tagged you in 31 photos'
Napahinto ako nang makita kong inupload ni Wendy ang mga litrato namin noong mga date namin.
Magsimula sa mall kung saan kami naglaro sa timezone.
Sa music room kung saan kami masayang kumanta.
Sa bar kung saan kami nag-enjoy sa pagsasayaw.
Maging ang mga litrato namin sa tuwing kumakain kami sa labas at sa school cafeteria.
.
.
.
"Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun," sabi ko kay Janna.
"Memories."
Napatingin ako sa kanya. "M-Memories?"
"M-Marahil gusto nya lang ipakita sa mga tao na naging.. naging masaya syang nakasama ka bago man lang kayo maghiwalay."
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
