Chapter 26
"Bata ka palang pala, ilang beses ka nang nasaktan nang dahil sa love," sabi sa akin ni Janna.
Napabuntong hininga ako at ngumiti sa kanya. "Mahirap pala, ano? Mahirap yung nag-expect ka na okey na, yun pala hindi pa."
"Based on your point of view, masasabi kong hindi maiiwasan na mag-expect ka dahil sa mga pinakita nya sayo. Pero iba rin pala ang ibig sabihin pagdating sa point of view nya."
.
.
.
Habang busy sa aking ginagawa, napahinto ako dahil sa sinabi ni Vincent.
"Liligawan ko na si Wendy."
Napatingin ako sa kanya.
Ngumiti naman sya sa akin. "Ayos lang naman siguro sayo kung ligawan ko ang kaibigan mo, di ba?" Kumindat pa sya sa akin.
Umiwas ako ng tingin. "I-Ikaw ang bahala."
"Talaga? Pumapayag ka?" Tuwang-tuwa nyang sabi.
"Bakit naman ako hindi papayag? Wala naman akong karapatan magdesisyon para sa...sa kaibigan ko."
"Pero syempre kaibigan mo pa rin sya."
"Kahit pa. I don't have the right to pull her away where she could be happy. Sayo sya magiging masaya." Hindi sa akin.
Napasandal sya at napatingala. "Kung sabagay. May tiwala ka naman sa akin, di ba?"
"S-Syempre naman, pinsan kita eh."
.
.
.
"Ang masaklap pa nun, sa pinsan mo pa."
Natawa nalang ako. "Mas okey nga yun eh. At least panatag akong hindi sya lolokohin nito."
"Anong sinabi sayo ni Wendy tungkol sa relasyon ninyong dalawa?"
Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga. "Hindi na nya ako kinausap pa matapos nang huling pag-aaway na naganap sa pagitan naming dalawa."
.
.
.
"Nagsimula sa kaunting asaran, hanggang sa naging masaya ang aming samahan. Dito sa malawak na eskwelahan, hindi namin inakala na mabubuo ang aming masayang pagkakaibigan."
Nagpalakpakan naman ang buong klase matapos i-present ng dalawa naming baklang kaklase na sina Sam at Piolo ang tula na kanilang naisulat.
Napangiti ang professor namin na si Sir France. "Very good, Sam and Piolo. Tama na ang inggitan at away ha. Pahalagahan nyo yang pagkakaibigan nyo."
"Masusunod po, sir." Sagot nina Sam at Piolo.
Hindi naman ako mapakali kakahanap sa papel kung saan nakasulat ang tula na ginawa namin ni Wendy. "Tsk. Nasaan na ba yun?" Halos hinalungkat ko na ang aking buong bag pero hindi ko pa rin ito makita
"Okay, next partners. Let's here the poem made by.... Justine and Wendy."
Napahinto ako sa aking narinig. "S-Sir?"
"Go ahead, Justine and Wendy."
Napatingin ako kay Wendy at seryoso lang syang nakatingin sa akin.
"Umm...s-sorry, sir. H-Hindi ko po kasi mahanap yung tula namin."
"Paano yan? That's the 50 percent of your Midterm exam."
Napayuko ako. "S-Sorry, sir."
"O sige na. I'll give you chance next meeting. Just make sure that you will present your poem to us or else both of you will get a failing grades."
"S-Sige po, sir." Tumingin ako kay Wendy at agad syang umiwas ng tingin at nagbuntong hininga.
Matapos ang theology class, nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko para kausapin si Wendy.
BINABASA MO ANG
Kiss that Girl (Completed)
HumorHeto ang tandaan mo, ako ang siga sa relasyon na ito.
