32. #TakeAdvantage

370 11 0
                                        

Chapter 32

"Ano naman ang dahilan ng pakikipag-break ni Clifford kay Raya?" Tanong sa akin ni Janna.

"Kahit naman ako nagulat."

"Baka naman niloko ni Raya ang pinsan mo kaya ito nakipag-break sa kanya. Ano ang sa tingin mo?"

Kumunot ang noo ko. "Sa tingin mo ba magagawa yun ni Raya?"

"Hmmm...sabagay."
.
.
.
"Uminom ka muna ng tubig," sabi ko kay Raya nang abutan ko sya ng isang basong tubig.

"S-Salamat."

Naupo ako sa bakanteng upuan at tiningan sya ng seryoso habang sya ay umiinom.

Hanggang sa mapatingin sya sa akin at nakita ko ang matinding lungkot sa kanyang mga mata.

Napabuntong hininga ako. "Ano ba kasi talaga ang nangyari?"

Napabuntong hininga din sya at umiwas ng tingin. "N-Nitong mga nakaraang araw, halos hindi na nakikipagkita sa akin si Clifford. P-Para bang iniiwasan nya ako."

"B-Baka naman busy lang sya sa ibang bagay."

"Sana nga yun lang eh. N-Nung pinuntahan ko sya sa kanila para kausapin, sinabi nalang nya sa akin na gusto na nyang makipaghiwalay."

"B-Bakit daw?"

"Hindi naman nya sinabi sa akin. Basta yun na daw ang desisyon nya at hindi na daw iyon magbabago."

"Nasubukan mo bang tanungin ang mga kapatid nya?"

Lalong lumungkot ang mukha nya. "M-Madalas daw syang wala sa bahay. Kapag hinahanap ko sya sa school, hindi ko rin sya makita."

Muli akong napabuntong hininga. "Hayaan mo. Susubukan ko syang kausapin kapag nakita ko sya."

Tumango lang sya habang nakayuko.
.
.
.
"Alam ko na nung una palang, mahal na mahal na ni Clifford si Raya, kaya hindi ko lubos maisip kung ano ang dahilan kung bakit nya nagawang makipaghiwalay sa babaeng mahal nya," sabi ko kay Janna.

"Hindi mo ba kinausap si Clifford?" Tanong nya.

"I did."
.
.
.
"Page 34 to 39, doon ko nakita yung mga information na kailangan natin para sa project," sabi ko sa isa kong kaklase habang kami ay nasa school library.

"Sige, ako na ang bahalang maghanap ng libro," sagot naman nya.

"Mauna na muna ako. Hindi pa ako kumakain ng lunch eh. Tawagan mo nalang ako kapag may problema."

Tumango lang ako at agad nang lumakad paalis.

Hanggang sa nakita ko si Clifford sa isang sulok ng library habang nagbabasa ng libro.

Lumakad ako palapit sa kanya. "Clifford."

Umangat ang kanyang tingin at ngumiti nang makita ako. "I-Ikaw pala, insan. Kamusta?"

Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi nya at tiningnan sya ng seryoso.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Tinatapos namin yung group project namin ng mga kaklase ko."

"I see."

Huminga ako ng malalim. "Nabalitaan ko."

Napahinto sya at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Napabuntong hininga sya.

"Bakit mo ginawa yun?" Seryoso kong tanong.

Kiss that Girl (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon