1. #WhosYourFirstKiss

7.6K 89 4
                                    

Chapter 1

"JANNA!" Sigaw ko habang pabalik sa loob ng bahay. "JANNA!"

Hanggang sa nakita ko sya sa sala na nakangiti sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Akin na ang susi ng kotse. Male-late na ako."

Huminga sya ng malalim. "Kapag sinabi kong hindi ka papasok, hindi ka papasok."

"Marami akong tatapusin sa opisina."

Tumayo sya at yumakap sa akin. "Babe naman, wag ka na kasing pumasok. Hindi pa nga masyadong magaling yang paa mo eh."

Napakamot ako sa ulo. "Eh anong gagawin natin dito sa bahay?"

Ngumiti sya sa akin.

Bahagya akong natawa sa pahiwatig nya. "Sa tingin mo makakakilos ako sa ganitong kalagayan ng paa ko?"

Marahan nya akong kinurot. "Ano bang iniisip mo? Basta dito ka lang, samahan mo nalang ako." Tapos hinatak nya ako paupo sa sofa at yumakap sa aking dibdib. "Kwentuhan mo nalang ako."

"A-Anong ikekwento ko sayo?"

"Umm.. ikwento mo sa akin ang first kiss mo." Tapos ngumiti sya.

"F-First kiss ko?"

"Oo. Gusto kong malaman kung paano naganap ang first kiss ng asawa ko."

"Matagal na yun eh. Di ko na maalala."

"Ikwento mo na!" Galit nyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako. "Okay fine." Huminga ako ng malalim.
.
.
.
"Bilisan mong maglakad!" Galit na sabi ni Lester na agad akong tinulak.

Binilisan ko naman ang aking paglalakad habang hawak ang aking mga libro.

Nakayuko akong maglakad nang mabangga ko ang isang babae at dahil doon, natanggal ang salamin ko sa mata.

"Ano ba! Magdahan-dahan ka nga!" Galit na sabi ng naturang babae.

Inaninag ko sya. "S-Sorry."

Inirapan nya ako at agad din syang umalis.

Dumapa ako at kinapa ang salamin ko sa damuhan.

"Hoy, bakit ba ang bagal mo?!" Sigaw sa akin ni Lester. Lumapit sya sa akin.

"Y-Yung salamin ko."

"Aish." Dinampot nya ang aking salamin at tinulak sa dibdib ko. "Ayan ang salamin mo oh! Tumayo ka na dyan! Bilisan mo!"

"O-Opo." Agad naman na akong tumayo at sumunod sa kanya sa paglalakad.

Pagdating sa parking lot ng school, nakita ko doon ang dalawa pang miyembro ng grupo.

"Ayan na ba yung sasali sa grupo?" Tanong nung isa.

"Dalawa sila."

Lumabas sa nakaparadang owner type jeep si Clifford. "J-Justine?" Gulat nyang sabi nang makita nya ako.

"H-Hello." Ngumiti pa ako sa kanya.

Napabuntong hininga sya at napailing.

"Mga tol, tara na. Susunod nalang daw si Boss Morgan sa bodega."
.
.
.
"Sa dami ng gusto mong maging kaibigan doon pa sa basag-ulo mong pinsan," sabi ni Janna.

"Matagal ko na kasing pangarap na makapasok sa grupo nila."

"Naiirita nga ako kapag nakikita ang Clifford na yun. Parang manyakis kung makatingin."

Kiss that Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon