Stangers Pt. 2

37.2K 1K 79
                                    

Chelsea's POV

Nahilo ako pagpasok namin sa isang portal. Ang lakas 'rin ng kabog sa aking dibdib. They all seem so weird.

Mga alien ba ang mga ito?

Hindi pwede. They have pretty faces. Tapos alien?

Nag simula na kaming maglakad sa isang gubat na tahimik. Tanging huni lang ng mga ibon ang naririnig ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang naiilang saamin o pati sila

Anong gubat ba ito?

Saang parte sa mundo ba naka-locate itong gubat na ito?

Nakabuntot lang ako sa kanila dahil kung hindi edi kung saan-saan ako makakapunta nito? Delikado pa naman pag nasa gubat ka lalo na pag gabi. At mukha naman silang mabait kaya sumunod nalang ako sa kanila.

Though, can I really trust strangers?

O uto-uto lang talaga ako?

Nasa unahan yung seryosong lalaki at yung babaeng may lila sa buhok. At nasa likuran ko naman yung babaeng may hawak kanina sa kamay ko at yung Hangin. The last boy is in the last row.

Sino ba sila? Gusto ko ng bumalik sa bahay pero mas gusto kong makita ang tunay kong mga magulang.

But do they really knkw my real parents?

"S-sigurado ba kayong alam niyo kung sino ang tunay kong magulang?'' nauutal na tanong ko sa kanila.

"Nope.", Sabi nung lalaking nasa pinakahulihan.

Namilog naman ang mga mata ko. So, hindi nga nila alam? Ibig sabihin joke joke joke lang yun lahat?

"Yep..." sabi ulit ng lalaking nasa hulihan. Teka mind reader ata to eh. "Yep ulit..." mind reader? Tsk. Hindi naman talaga nageexist ang magic.

"Hoy! Ibalik niyo na nga ako! You all are frauds. Ibalik niyo na ako!", sabi ko sa kanila pero dedma lang sila.

"Ipapakulong ko kayo dahil sa pagbibiro niyo!" banta ko. Pero tahimik lang sila.

"Ikulong mo na ako sa puso mo, miss.", panghaharot ni Jason at humalakhak.

Napataas naman ako ng kilay dahil dito. "Nakakatuwa 'yon?"

Bigla naman itong tumigil sa kakatawa at tumahimik na lamang. Tinignan ko ang iba at halatang walang pakialam.

Binge ba sila o nagbibinge-bingehan?

"Ako nalang ang maghahanap ng daan pabalik sa pinanggalingan ko!" sabi ko sabay tumalikod at nilakad yung kaninang dinaanan namin.

Naririnig ko ang pagtawag nila sakin pero hindi ko nalang ito pinansin at patuloy parin sa paglalakad.

NAKAKAINIS. SINO BA SILA AT ANO BA ANG KARAPATAN NILA PARA DALHIN AKO DITO SA ISANG GUBAT?!

Maya-maya ay tumama ang ulo ko sa isang bagay na sumulpot na parang kabute sa unahan ko.

"Aray ko naman!"

Tinignan ko 'to at nakita ko ang malalim na titig nito saakin. Bigla akong natahimik.

Pero, Teka! Pano siya nakadating dito sa unahan ko ng ganun kabilis?!

Shit. Napayuko ako. Hindi ko alam pero natatakot ako dito sa lalaking ito.

Kung makatingin sakin, napakalamig.

"E-Excuse me mister. Aalis na po ako kaya tumabi ka dyan ." nauutal kong sabi.

"Don't think to ruin my day." sabi niya. Magsasalita sana ako nang ibuhat niya ako. Kaya napasubsob ako sa likod niya.

"Hoy! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko dito. Pero hindi ako nito pinansin at nagsimula na siyang maglakad. Nakabuntot sa kaniya yung mga kasamahan niya.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon