Plan

24.3K 519 13
                                    


Habang naglalakad papasok sa portal ay nakatulala lang ako sa aking mga paa habang hawak ang bag nadala ko. Hindi ko mapigilan hindi mapaisip nang malalim, hindi lang naman ako ang ganito, kahit ang ibang mga estudyante ay halos hindi na magsalita dahil sa lalim nang kanilang iniisip.

Biglaan na lamang inanunsyo saamin ang tungkol sa gaganaping digmaan bukas. At ang sabi ni Headmaster kagabi ay matulog kami nang mahimbing ngayon dahil bukas aalis na kami papuntang Headquarters nang Elemental Realm. Pero iilang oras lang ata ang natulog ko dahil sa anunsyo na iyon, si Jayden lang naman ang walang pake kung may Digmaan o wala eh.

Pupunta kami ng headquarters dahil doon kami magpaplano kung ano ang dapat na gawin para sa digmaan na gaganapin bukas. Ang sabi nila ay maraming mga estudyante galing sa iba't-ibang akademya ang pupunta roon para makitulong. Hindi biro ang digmaan na ito dahil papalibutin nang mga kalaban ang kabuohang Elemental Realm para unti-unti nila itong masakop.

Nang makarating kami ay lahat ng estudyante abala sa mga gawain nila. Nahagilap ko pa ang mga pamilyar na pigura nang Crimson Students at akmang lalapit sila saakin ngunit umalingawngaw sa Headquarter ang boses nang isang lalaki.

"Students, please proceed to the designated area immediately."


Hinati kami nito sa apat na grupo. Upang may magbantay sa Timog, Silangan, Kanluran at Hilagang bahagi ng Elemental Realm. Nagkataon pa na naigrupo kami sa Crimson Academy kaya hindi mo maiiwasan na hindi mapansin ang tensyon na ibinibigay ng Leighton at Crimson sa isa't-isa habang papasok kami sa isang kwarto para makapagsimula nang diskusyon ukol sa plano namin.

"Uhh, kailangan ba talagang ganito ka-tense at kaawkward ang ere?", bulong ko kay Jayden na kumakain nang cotton candy pero kumibit balikat lang siya.



●●●



"Just think of this as an examination.", seryosong sabi ni Nathan kaya tumango nalang kami.

Lahat nang naririto ay kinakabahan at natatakot dahil sa pwedeng mangyari. Ngunit ngayong naririto na kami sa digmaang ito, wala nang atrasan. Hindi lang naman ito para saamin, kung hindi para 'rin sa mga Mortal at sa mga batang gustong mamuhay sa susunod na henerasyon.

"So who would charge first?", tanong ni Andrei.

Nag angat naman nang kamay si Rose, "My team is capable of being a charger.", maangas na sambit nito.

Unlike any other team in Leighton Academy, Rose's Team has this fierce attitude and fights like a valkyrie. They are super strong to the point I don't literally think they are real feminine women.

"Great. Who would volunteer mining traps? Any spell casters who would like to do it?", lumingon si Nathan sa may kaliwa at naroroon ang spell casters ng Crimson Academy.

"Uhh siguro kaya namin yon.", nagaalinlangan na sabi nang lalaki at napatingin sa mga kasama niyang spell casters 'rin.

"Pero paano kung may mga mas malalakas na kalaban at lahat tayo ay injured?", tanong naman ni Hesly. Nang walang nagsalita ay nagpatuloy ito. "We need a healer. I'll volunteer as a healer pero hindi ko masisiguro na kaya kong pagalingin ang lahat."

"W-We'll volunteer too!", napalingon kami sa likuran nang Team ni Rose at naroroon ang mga nurse sa clinic namin at ang Doctor.

Now everyone in this battle is eager to win. Even though they know that their lives is at risk.

"The Dexra Evenfall would not be present in the battle for the mean time.", biglang sabi ni Lorraine kaya napatingin kami dito. Mukhang hindi tumututol si Nathan kaya naman mas lalo kaming nagtaka.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon