Jason Aero

23.5K 643 23
                                    


"JASON! Alisin mo nga 'yang pagmumukha mo na 'yan sa harapan ko!", Bulyaw ko at saka padabog na tumayo at umalis ng library.

Sobrang nakakainis na siya. Kanina pa siya sa Cafeteria, ang ingay hindi man lang matikom ang bibig. Nagbabasa ako ng libro tungkol sa 'Enhancing skills and abilities' tapos ang ingay ingay.

Nakabusangot akong naglakad sa hallway at halos nakatingin na saamin lahat ng mga estyudante dito. Mukha tuloy kaming nag-aaway na magjowa.

"Babes! 'Wag mo namang talikuran ang isang gwapong katulad ko! Huhu!", Rinig kong sigaw niya sa likod. Nagbingi-bingihan ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa lahat ng taong nandito sa Academy, si Jason ang pinakakinaiinisan ko.

"Chelsea!", lumapit saakin ang isang estudyante. Ito 'yung kadalasan na nangbabash saakin dito eh. "Tawag ka daw ng headmistress sa GYM. "

Ngumiti ito saakin kaya nalukot ang mukha ko. Isang tingin palang ay ramdam mo nang pilit lang ang ngiti nito. Tinanguan ko nalang ito at sinenyasan si Jason na tahimik na sumunod saakin.

Naglakad na kami papunta sa Gymnasium. Hindi ko naman mapigilang hindi mapaisip. Dahil akala ko kasama ng headmistress si Carlo.

●●●

Nang nasa harap ko na ang pintuan ng gym ay huminga ako ng malalim. Ano kaya ang kailangan saakin ng headmistress?

"Buksan mo na babes! Kating-kati na ang mga abs ko!", Nagrereklamo na tugon niya.

"Tumahimik ka nga.", saad ko at binuksan ang pintuan.

[Splash!]

[Sounds of camera clicking]

Napayuko ako at napapikit ng may dumamping malamig ay malagkit na bagay sa aking katawan.

Slime.

"HAHAHAHAHA!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang mga tawa ng maraming estudyante. Tumingala ako at nakita ang mga estudyanteng nakapalibot saakin. Ang iba'y kinukuhanan ako ng litrato.

I can see hateful in their eyes. But why do they hate me so much? What did I do wrong to make them hate me that much?

Napayuko nalang akong muli at kinuyom ang mga kamao ko. Please, be strong, Chelsea. Don't cry.

Tila bumalik ang lahat ng mga alaala ko mula sa mga nang away saakin sa dati kong pinapasukan.

What do I expect? Not everyone likes me.

"Oh ano? Iiyak ka nalang diyan? Weakshit."

"Gosh, you make me feel sick by just looking at you."

"You're so useless, why don't you just go and die?"

It feels like my everyday nightmare that endlessly repeats.

How about that? Why do I just go and die?

I felt an unsettled gust of wind brushes against my skin along with the other students. They shut their mouth in silence.

"U-Uhh... Prince Jason.", gulat na tanong ng isa sakanila.

Halos makalimutan ko na ang presensya ni Jason na nasa likuran ko lang pala.

I can feel the strong magic coming from Jason himself. The howling of the wind frightened us all. The students moved back as the vigorous wind blows them.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon