Not Your World

23K 547 5
                                    


Paguwi namin galing mall ay napasalampak nalang ako sa couch dahil sa sobrang pagod. Ang balak ko lang sana maglakad sa mall pero nang dahil sa lalaki na ito, bukod sa naubusan ako ng enerhiya, naubusan din ako ng pera! At kung saan-saan pa tumatakbo, nagmumukha tuloy akong yaya na binabantayan ang isang batang first time makapunta ng mall.

Nahiga ako sa couch at pumikit. Sobrang antok na ako para makapagbihis pa, wala na 'rin akong pakialam kung sa kwarto ko matutulog ito. Gusto ko lang magpahinga.

"Hooooy~ 'Wag mo akong tulugan! Manood pa tayong Doraemon huhu."

Yinugyog pa ako nito pero hindi ko na ito pinansin at tumalikod nalang mula sakaniya. Kasalanan niya kung bakit pagod na pagod ako ngayon. At saka bakit hindi ito napapagod kanina pa siya sigaw ng sigaw at laro ng laro.

"Bahalakauubusinkoyungmgabinilinatinhmp.", napakabilis nitong magsalita ni hindi ko na naintindihan ang sinabi niya. Hinayaan ko nalang ito na padabog na umalis sa living room at natulog.

Nagising akong natagpuan ko ang sarili kong nasa isang Marketplace. But this is an old market place- a traditional one.

Inilibot ko ang paningin ko at nanlaki ang aking mga mata nang matagpuang nakatulog ako sa lupa. Ni wala man lang gumising saakin! Mga walang ugali naman ang mga ito. Nakasimangot akong tumayo mula sa aking kinahihigaan at pinagpagan ang aking pantalon.

Napakasaya ng mga tao dito kahit pa ang mga kasuotan nila ay mga luma at marurumi. Napagisipan kong magtanong sa isang tindero na nagtitinda ng mga prutas. "Uhm, Kuya.", tawag ko dito.

Napatingin naman saakin ito ng nakakunot-noo, parang problemado pa ata ito kaysa saakin eh. "May bibilhin ka ba, binibini?"

Napatikom ako ng bibig dahil sa tinawag nito saakin. Hindi ko aakalain na tatawagin pa 'rin ng mga lalaki dito ang mga babae bilang isang binibini, sa amin kasi napakabihira nalang ang ganoong mga lalaki.

"Pwede po bang magtanong kung nasaan ako? Kasi po natutulog lang po ako sa couch! Tapos bigla ako napunta dito.", reklamo ko, pasulyap-sulyap saakin ang ibang mga tao dahil sa aking suot na kakaiba mula sakanila.

Ang lalaking kausap ko naman ay tinignan lang ako nang nagtataka. Ni hindi niya mawari kung ako ba ay nagbibiro o hindi, pero hindi ako nagbibiro!

"Isa ka bang Maharlika, Binibini?",biglang tanong nito at napasulyap 'rin sa suot ko.

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi nito dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Uhh...", Maharlika? Was he asking if i'm rich or not? "H-Hindi po. Napunta l-lang po ako dito. Anong lugar po ba ito?"

"Ythiere South."

Parang lumundag sa ibang planeta ang aking puso nang dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung saan itong lugar na ito pero ang natatangi ko ay napakalayo nito. "S-Saan po ba banda ng Bicol ito?"

Mas lalo itong nagtaka dahil sa sinabi ko. Nahuhuli na 'rin namin ang atensyon ng ibang mga taong napaparito. "Hindi ko mawari ang nais mong sabihin. Iyan ba ay nakakain? Walang Bicol dito, tanging mga prutas lang ang aking ipinamimili."

Parang tumigil ang mundo ko pagkatapos kong malaman na wala ako sa bahay nina Tita. Siguro, may nagteleport saakin papunta dito? Pero sino naman at bakit dito pa? Kung saan hindi ko alam ang lugar.

Matapos ang usapan namin ni Kuya ay ipinaalis na niya ako doon dahil napagahahalataan na daw akong baliw. Tch, if he was in my shoes he wouldn't say that and rather defend himself.

Naglakad nalang ako habang tinitignan ang palagid. Parang nasa ikalumang panahon ako at kakaunti lang ang mga bahay. May mga bata 'rin naglalaro gamit ang kanilang mga mahika. So nasa immortal realm pa 'rin ako.

Nahuli ng aking mga mata ang napakataas na building mula sa malayo. It seems like an academy. A castle or an academy? Maybe i'll find my answer when I get there. Hindi na ako nag abala pang magdalawang-isip at naglakad na ako papunta dito. Umagang-umaga at tirik ang araw kaya hindi ko maiwasan hindi pagpawisan nang todo. Sumasakit na 'rin ang mga paa ko dahil hindi ko naman alam na ganito pala kalayo yung mala-castle na 'yon.

Pinahid ko ang pawis na namumuo sa noo ko at napalunok nalang nang dahil sa uhaw. Wala pa naman akong dalang pera. Bwiset. At saka ang layo na nang pamilihan mula sa kinakatayuan ko kaya bago pa ako himatayin ay dumiretso na ako papunta dito.

"Kung sino man ang nagdala saakin papunta dito hindi ako magdadalawang isip na sakalin siya.", naiinis kong sabi habang hinihingal. Gosh! I look haggard.

"Who are you."

Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa paligid dahil sa isang boses na narinig ko. "Sino ka?", kunot-noong tanong ko habang hinahanap ito.

"Up here.", agad kong sinunod ang boses nito at natagpuan ang isang lalaki na nasa isang puno nakaupo. He reminds me of Nathan but this one was different.

"Sino ka?", tanong ko dito. Nakasuot ito ng school uniform kaya posibleng may eskwelahan dito.

"I should be the one asking you that.", malamig na tugon nito.

"I-I'm Chelsea.", nauutal kong sabi. "H-Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, pag gising ko nandito nalang ak---"

"So you were the one that had fallen out of sky... out of Astra.", bumaba ito sa puno at lumundag papunta saakin na ikinabigla ko. Nang nasa unahan ko na ito ay malamig ako nitong tinitigan. "You are from another dimension."

Nalulutang lang akong nakatingin dito dahil parang ayaw mag sink-in saakin ang kaniyang mga pinagsasabi. Pero pakiramdam ko narinig ko na ang salitang Astra kung saan pero hindi ko matandaan. "Other dimension?", ito lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

"Why are you headed towards our academy?", so I was right. That was an Academy built in castle style.

"Uhh sino ka nga ulit?", tanong ko.

"None of your business. I'm asking you."

"Kasi magtatanong-tanong ako pagnakapunta ako doon?", patanong na sagot ko.

"You're from the other dimension right?", tanong pa nito.

Pero kinunotan ko lang ito nang noo dahil sobrang nakakapanggulo nang utak ang kaniyang mga itinatanong. Hindi ko alam kung anong klaseng dimension ang sinasabi niya at yung Astra na sinasabi niya. But I thought I've heard it before.

"Are you Mnemosyne?", he asked while stepping a foot forward making me fall backwards. "Answer me."

"M-Mnemosyne?"

I was taken back when I heard that name again. Mnemosyne! She was the one who built Crimson Academy. "H-Hindi pero kilala ko- not in person! Kilala ko lang kung sino siya.", nagpapanic na sabi ko dahil sa nakakamatay nitong tingin.

"If you aren't Mnemosyne, you have to get out of here. This isn't your world."

"Ha?", nalulutang na tanong ko.

"I said get out. You have to get out. You have to wake up."

Wake up...

Parang nag echo pa sa utak ko ang boses nito. Ramdam ko ang pagbigat nang mga talukap nang aking mga mata. Kahit pa pilitin ko ang sarili kong magising lang ay hindi ko kaya. Naramdaman ko nalang ang sarili kong nahulog sa lupa at ang mukha nang lalaki ang huli kong nakita.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon