Their Leave

26.1K 693 14
                                    

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mailang at matense dahil nakaakbay pa 'rin ito saakin at ang tahimik pa. Tanging tunog lang ng tsinelas at sapatos namin ang maririnig.

Tumikhim ako para basagin ang katahimikan. "Bakit ka pala naglalasing doon?", tanong ko dito.


"Hmmm...", napatingin ako dito at umaakto ito na para bang nagiisip kaya napasimangot ako. Just like Carlo. Oh yeah they're cousins.


"Ano nga?", tanong ko. Kating-kati na 'rin akong malaman.

"Nothing important. It's a personal problem so you don't have to mind it.", sambit nito.


Napatitig naman ako dito. Kagaya ng kanina, hindi ko malaman-laman kung anong mga emosyon ang tinatago nito. "I just wanted you to know that drinking it all up wouldn't solve those rough circumstances of yours.", I retorted.


"I know. Luckily, you were there to stop me.", nagulantang ako nang bigla niyang ihigpit ang akbay niya saakin at pumuntang ibang direksyon.


"H-Hoy! Saan tayo pupunta? Diba doon yung dorms ng mga babae?" Sabay turo sa likuran namin.



"I know.", sabi nito ulit habang may kakaibang ekspresyon sa mukha.


"Anong 'I know' ka diyan? Hoy baka mamaya niyan, may gawin kang masama saakin!"



Bigla naman itong napatingin saakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Are you serious? Do you think i'll do such things to you? Dream on.", akmang magsasalita pa ako ng unahan niya ako. "You're being to loud, you'll wake up the others.", paalala niya sakin.



"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Ayaw mo bang matulog? Kasi ako inaantok na.", mahinang sambit ko dito.


"Nah, I just want to have fun with my new friend.", he slurs.


Confirmed. Lasing nga. I know he never would accept me as his friend. "Hays, at dahil lasing ka ngayon, pagbibigyan nalang kita."


"I'm not drunk. And also don't intend to tell this to anyone or i'll kill you. This is nothing going on between us.", he persuade. Napairap nalang ako.

"Alam ko naman, gusto mo lang maging FRIENDLY.", sambit ko dito at inemphasize ang salitang friendly.


Wala naman talagang malisya itong nangyayari ngayon saamin. Ang kaso lang ay sobrang naninibago ako sa ugali niya ngayon kaya hindi ko maiwasang hindi mailang.


"Alam ko naman. At saka may pasok bukas paalala ko lang.", paalala ko dito.


Tumawa lang ito na para bang wala lang sakaniya ang may pasok bukas. Teka! Baka naman hindi ito papasok? "Let's go to the grassfield.", hinila ako nito dahil siguro sa bagal kong maglakad. Para tuloy kami 'yung magjowa sa kanto na gumagala sa gitna ng gabi.



Buti nalang talaga at pareho kaming walang nararamdaman sa isa't-isa kasi kung meron man ay mandidiri ako. Char.


Napagtanto ko na lamang na nasa grassfield na kami. Humiga siya sa damuhan at sinenyasan akong gayahin siya kaya hindi ako nagdalawang isip na humiga. Bahala na kung may mga uod. Eh siya nga prinsipe nagawang humiga sa damuhan, ako pa kayang pulubi ang mag iinarte?


Akala ko ay mag oopen ito saakin tungkol sa buhay niya pero napasimangot nalang ako nang mag-open ito ng tungkol sa isang palaisipan.

"Come to think of it, there are many odd things happening in our academy since you entered.", sambit nito. "Or should I say things that are beyond interesting?"


Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon