Fleur de Blue

26.7K 534 13
                                    


"Chelsea?"

Nagising ako ng maramdaman ko ang mahinang pagyugyog saakin ng isang tao. Kinusot-kusot ko ang mata ko at kunot-noong tinignan ito.

"Yessa?"

Nginitian ako nito. Magtatanong pa sana ako kung paanong nandito si Yessa pero naalala kong nandito pala kami sa Headquarters natutulog. Nakita kong nakaligo na ito at nakasuot ng jeans at puting damit.

"Namiss kong gisingin ka tuwing umaga.", natutuwang sabi niya.

Natawa nalang 'rin ako. "Kung alam mo lang kung gaano kahirap gumising doon sa Leighton Academy na wala ka. Tapos tulog mantika 'rin kadormmate ko.", tumingin ako sa katabi ko ngayon na yakap-yakap ang teddy bear niya.

"Uhh... lalaki dormmate mo?", nagtatakang tanong nito.

Tinanguan ko nalang ito at halatang pinagdududahan niya kaming dalawa kaya pinanlakihan ko ito nang mata. "It's not what you think. Wala kaming ginagawang masama doon sa loob ng dorm, at mas lalong hindi kami mag jowa dahil sa liit ng utak niyan.", sambit ko.

Masama bang ang topic namin ay mahimbing na natutulog ngayon?

"Weh? Eh kahapon lang pansin ko kung gaano kaclingy niya sayo eh."

"Akala niya kasi ako ang nawawala niyang pinsan.", tugon ko at tumayo mula sa hinihigaan ko. "Anong oras na pala?"

"Ikaw naman talaga."

"Ha? May sinabi ka?", tanong ko dito dahil hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi.

"Six o' clock.", sabi nito.

Sandali ko pa itong tinignan nang nakakunot-noo pero ipinilig ko nalang ang ulo ko at iniligpit ang higaan ko. Sa sahig kasi kami natutulog, parang quarantine lang nakakapanghome sick.

"Anong oras magsisimula ang digmaan?", tanong ko. Pero seryoso? May oras oras ba talaga ang digmaan na 'yan?

"9:00 o' clock."

Tinanguan ko nalang ito at yinugyog si Jayden upang gisingin. Kailangan na naming maghanda kahit alas-sais palang ng umaga. Nasa isang kwarto kami at may mga kasama kami ni Jayden matulog ngayon. Natagpuan kong gumising na ang iba at ang iba naman ay natutulog pa 'rin.

"Jayden, bumangon kana."

"Ihh~ ayoko nga hmp.", mas yinakap nito ang kaniyang teddy bear.

Napasimangot naman ako at ganoon 'rin si Yessa na katabi ko. "Mauubusan ka nang mga pagkain kapag hindi ka bumangon dyan bahala ka."

Tumayo na ako at akmang aalis na pero ramdam kong bumangon na 'rin ito. "Juk lang naman ihh. Hmp."

Hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng pananakit nang katawan dahil sahig ang aming tinulugan at manipis lang ang tela na ang aming hinihigaan. Habang nasa shower ako ay nag stretching na ako dahil malay ko bang hindi na ako makapagstretching mamaya.

Ang shower room dito ay hinati sa panglalaki at pangbabae. Hindi ko 'rin mapigilan hindi mailang dahil ang bawat shower rooms ay walang pintuan at transparent glass lang pumapagitan sa mga katawan namin.

"I'm kind of jealous...", biglang sambit ni Rose na nasa kabilang shower room lang.

Kitang-kita ko kung gaano kasexy ang kaniyang katawan habang naliligo ako. I mean, I can see every girls' nakedness! Sobrang pula na nang mukha ko samantalang sakanila parang wala lang ito.

"H-Ha.", nauutal kong sabi at itinuon nalang ang pansin sa paglalagay ng shower gel.

"You're body is enchanting, Chelsea. Why is that?"

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon