The Dexra Evenfall

30.2K 790 44
                                    


"U-Uhh...", nataranta ako dahil sa sobrang lambot nito magsalita. Nakakahiya! Anak pala sila ng mga hari at reyna! "It's a pleasure to meet you too.", pormal kong sabi.

Natawa naman ito kaya napakunot-noo ako. "No need to be formal, Chelsea. Everyone here is treated equal... well, kinda.", she encircled her arms in mine. "So! What are you doing here today?"

"Uhmm, wala lang. Nacurious lang ako dito sa Floral Garden ng Crimson Academy niyo.", napakamot ako ng ulo dahil naiilang ako.

"Oh... do you want to know more about these flowers?", she asks as her eyes glistened in excitement. Agad naman akong napatango-tango.

I love flowers, what do you expect from me?

Umupo ito katapat ang mga bulaklak na nagliliwanag sa kaputian. "Sofia are their names. Meaning they heal people.", dahan-dahan niya itong hinaplos at para bang sumasayaw ang mga kamay niya sa kaputian nito.

"Ang ganda.", manghang sabi ko at naupo sa tabi niya. "Nakakain ba ito?", tanong ko at hinaplos-haplos din ito.

They are like feathers to touch! So light and soft.

Natawa naman si Ericka sa tabi ko, "No. But this one is.", pumunta kami sa isang lineup ng mga kulay lila na bulaklak. "Their name is Leila..."

"Hala... bakit parang rosas lang sa Mortal Realm pero mas makapal ang petals nito kesa sa tunay na rose?", di makapaniwalang sambit ko. Hinawakan ko 'rin ito, unlike Sofia Flowers, Leila are more glossy and sleek to touch.

"Do you wanna try some?", tanong nito. Umakto akong parang nabigla sa tanong nito.

Hehe, kanina ko pa hinihintay na alukin mo akong kainin itong mga bulaklak na ito, Hesly.

"Hala, baka bawal? Pwede naman kung hindi na. Hehe. Pero mas pwede kung kakainin ko hehehe.", sabi ko dito. Natawa naman ito at napailing-iling.

Kumuha itong tatlong petals at ibinigay saakin. "Try it. I'm sure it tastes good."

Hindi na ako nag alinlangan pa at sumubo ng isang petal. I chew the petal as its juices rambled my mouth, producing a sweet aroma. "It's...", namilog ang mga mata ko. "Actually it does taste good.", di makapaniwalang sabi ko dito.

"See? I told you.", nakangiting sabi nito. Kumuha 'rin siyang isang petal at kinain ito. "It tastes like sweet mango."

Kinain ko na 'rin ang dalawang petals na natira. Kung pwede lang sana kunin lahat hehe.

Habang kumakain ay nahagip ng mga mata ko ang isang kulay bughaw na bulaklak na pinapalibutan ng maliliit na liwanag na para bang maliliit na fireflies. Nag iisa lang ito sa gitna at napapalibutan ng mga bato.

Ang ganda naman, nakakain ba 'yan?

"Fleur de Blue.", sambit nito kaya napatingin ako dito at natagpuang nakatingin 'rin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. "You wanna check it out?", before I could even answer, she stood up and walk towards the flower named Fleur de Blue.

Sinunod ko naman ito at lumuhod kami sa harap nito. It's like it has its own charm. At parang nakakalunod ang kagandahan ng bulaklak na ito. "Fleur de blue was the last gift Crimson Academy received from Mnemosyne."

Mnemosyne. Ayan na naman ang pangalan niya. Is she that important? Bakit parang lahat ng naririto, kay Mnemosyne ang lead?

"Fleur de Blue is an everlasting flower that comes from Mnemosyne herself. It is said that if you pick one petal, it will grant any of your wishes. And  even destiny itself wouldn't deflect its power.", she explained.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon