Arrival

23.1K 518 16
                                    


Yessa was left confused when I went out of Nathan's dorm calmy.

I gave her a plastered smile, "Let's go, Yessa.", tangina mo talaga, Yessa. Kung pwede ka lang patayin.

Habang naglalakad papunta sa grassfield ay hindi ko mapigilan hindi mahalata ang kaniyang panay na pagsulyap saakin kaya tinaasan ko ito ng kilay. "What's wrong?"

Agad naman itong napaiwas nang tingin at napakurap-kurap ng mga mata. "Uhh... akala ko kasi magagalit ka or what.", napakamot ito sa kaniyang ulo.

Nginitian ko lang ito nang pagkatamis-tamis at itinuon ang atensyon sa dinadaanan namin. Kung alam mo lang kung gaano kita kinamumuhian ngayon. Thank God hindi natuloy! I can't even control myself back there! Buti nalang talaga at ipinatawag siya nang Head.

But to say the truth, nabitin ako pucha.

Pagdating namin nang Field ay nakita ko ang isang portal at napagtantong ito ang magtatanging gabay saamin patungong mundo nang mga tao. Napabuntong hininga ako at tumingin kay Yessa.

"Mamimiss kita.", nginitian ko ito nang malungkot.

Natawa nalang ito sa ginawa ko. "Ano ba naman 'yan, Chelsea! Mag kikita pa naman tayo next 2 weeks eh!"

Napilitan nalang akong tumawa at tumingin sa ibang direksyon. As much as possible, gusto ko nang umalis dahil habang tumatagal mas nahihirapan akong harapin ang bagong mundo ko na wala ang Crimson Academy.

Nagpaalam na ako dito at pumasok sa portal. Napahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay nahihilo ako at parang gusto kong magsuka. Pero agaran 'rin natigil nang matagpuan ko ang sarili ko sa tapat nang isang bahay. Hindi pa 'rin ito nagbabago simula nang pagkaalis ko.

Wala na akong pakialam kung papatuluyin pa ba ako ni Tita o hindi, basta tutuloy ako dahil sa kagustuhan ko, hindi dahil sa kagustuhan nila. Sapakin ko sila eh. Nagdoor bell na ako at rinig ko naman ang tunog nitong nang mumula sa loob. Nag door bell ako ng ilang beses bago tuluyan naisipang pumasok sa loob.

At dahil sarado ang gate ay nag akyat-bahay style ko. Which I learned from Hesly when she was---oh nevermind.

Medyo nahirapan ako dahil syempre babae ako, pero nang matagumpay akong nakapasok sa loob ay binuksan ko ang gate at ipinasok ang aking maleta. Pumasok na ako sa loob nang bahay at inakala kong magiging maingay ang loob dahil sa bunganga nang mag ina pero nagtaka na lamang ako dahil wala ni isang presensya akong nakita sa living room.

"Tita? Nandito na maganda mong katulong.", pamamaalam ko sa mga ito. Ngunit binati lang ako nang katahimikan.

Siguro nasa outing sila kaya ang tahi-tahimik. Hindi ko alam kung bakit addict sa mga outings ang mag-ina na 'yon. Lalo na sa beach, mahilig silang lumangoy, nagmumukha na tuloy sila sardinas.

Wala akong nagawa kundi ay ang pumunta sa kwarto ko na nasa second floor. Naalala ko pa noong tinulak ako ni Catrina kaya nahulog ako sa hagdan, kaya hinulog ko 'rin siya sa hagdan. Pagbukas ko nang pintuan sa kwarto ko ay bumungad saakin ang pabango nang panlalaki. Linibot ko ang aking paningin sa kabuuang kwarto ko habang nakakunot ang noo. Isinara ko ang pinto at naglakad.

Wala naman kasi akong naalala na pinalitan ko ang bed sheets ko, o kaya naman baguhin ang theme ng kwarto ko.

And worst, I saw a men's clothing on my bed.

Just on my cue to leave, I heard the bathroom door creaks open and as I turn to see who it was, I was left screaming on top of my lungs.

"AAAAAAAAAAH!"

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon