Escort

23.2K 618 40
                                    

TheBitterCupid:

If you are wondering why I changed the name of Princess Peach Amber into Princess Kristine, it is because the name Kristine reminds me of my plastic friend.



●●●

"Yessa!", suway ng Head dito nang akmang sasapakin na niya sana ang Prinsesa.


Napakurap-kurap naman si Yessa na 'tila ba nabalik sa huwisyo. Napatingin siya sa Head at kay Kristine. "I will not guide you, insolent one.", mariin nitong sabi at lumabas na ng clinic.


Guide her? Anong ibig sabihin ni Yessa? Bakit naman niya gagabayin ang prinsesa? And why does she sounds like she's mad?


Napatingin naman ako kay Kristine na kasalukuyang napako sa kaniyang kinakatayuan at halata ang nakakuyom nitong mga kamao.


"U-Uhh... Chelsea, okay ka na ba?", tanong ni Hesly saakin para mabaling saakin ang atensyon.


Iginalaw-galaw ko naman ang sarili ko at ang ulo ko at saka nag thumbs-up. "Ayos na."


"Great! Pwede ka na namin ibalik sa dorm mo. It's already 7 in the evening.", sabi nito.


"I'm heading out now, students. Princess Kristine, come with me.", saad ng Head at umalis na ng clinic. Nagdalawang isip pa si Kristine kung iiwan si Nathan pero sa huli ay sumunod na ito.


Napaupo naman ako sa kama at nakitang nasa gilid ang sapatos ko. Aabutin ko na sana pero mas nauna si Lorraine at binigay naman. Nanlaki ang mga mata ko nang isinuot niya pa saakin. Teka, ambait nito ngayon ah?


"I'll escort her."


Napatingin kami sa nagsalita sa gilid at napagtantong si Nathan pala ito na kanina pa tahimik. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at umunat-unat.


"Sure ka ba?", tanong ni Lorraine dito.


"Oo nga sure ka ba? Magseselos si Lorraine eh.", pagbibiro ko pero totoo naman.


"We're cousins.", sabay na sabi ng dalawa.


Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.


Parang noon lang ng awayin ako ni Lorraine eh! Sabi niya nga makakalaban ko daw siya kapag nagkagusto ako kay Nathan.


"It is because i'm being overprotective.", Lorraine stated.


May ganoon ba? Eh para siyang jowa ni Nathan eh.


Nagsilabasan na kami sa clinic at bumungad saamin ang madilim na hallway.


"You should go to your dorms now. I can handle her myself.", sambit ni Nathan at inakbayan ako.


Nanlaki pa ang aking mga mata dahil sa ginawa nito. Hindi naman siya lasing pero inaakbayan ako. "H-Hoy, alisin mo nga k-kamay mo.", utos ko pero hindi ito nakinig.


"C-Chelseababes huhu, pinagpalit mo na ako?", nagpout sa harap ko si Jason kaya napangiti nalang ako ng tabingi. Hindi bagay.


"Is there something going on between the two of you?", Charles eyed us suspiciously.


Namula naman ang magkabilang pisnge ko at mabilis na umiling-iling. "N-No! S-Sadyang shdudbfnsisgw"


Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon