Jayden

24.3K 596 15
                                    

Nagcommute nalang kami papuntang mall ni Jayden. Hindi ko mapigilan hindi mairita dahil sa nakakairita nitong bunganga na hindi man lang matikom-tikom. Kung kani-kanina lamang ang seryoso nito, ngayon naman naging isip-bata na. Pagpasok na pagpasok namin sa mall ay hindi ko alam kung kami bang dalawa ang pinagtitinginan o siya lang dahil ang lakas ng dating kahit nakadoraemon na t-shirt.

Parang model ng toothpaste dahil panay ang ngiti sa mga nadadaanan naming babae na mga papansin.

"Saan tayo unang pupunta?", excited na tanong nito habang nililibot ang paningin sa mall. Parang bata na once in a blue moon lang nakakapunta sa isang mall eh.

"Sa basurahan? Gusto mo?", Pamimilosopo ko.

Dinedma lang ako nito at tumakbo papuntang Dairy Queen. Tignan mo, parang bata tumatakbo nakakahiya sa ibang tao na napapatingin saamin eh.

"Hoy! Hintayin mo nga akong ulupong ka!", sigaw ko dito at hinabol papunta sa DQ. Pumila na siya at nakasimangot nalang akong sumunod dito.

"Bibili ka?", naiirita kong tanong. Tumango nalang ito habang kumikinang ang mga mata. "Eh paano yan ang daming taong nakapila! Daig pa ang traffic sa edsa!", inis kong sabi dahilan upang tignan kami nang mga nakapila.

"Don't worry.", ngumiti ulit ito dahilan upang makita ang nakakasilaw niyang ngipin. Model talaga ng toothpaste eh.

Tumingin si Jayden sa babaeng nasa unahan niya at kiniblit ito. Humarap naman ang babae na naiirita pero biglang nagbago nang makita niya ang mukha ni Jayden. Nililinlang ba ni Jayden ang mga babae dito? Punyeta.

"Miss, pwede bang pasingit? Nagugutom na kasi ako. Baka pumayat ako niyan. Especially, eto...", nanlaki ako nang itaas niya ang t-shirt niya at pinakita ang abs sa babae. May abs siya kahit isip-bata siya!

"A-Ahh, s-sige...", nauutal na sabi nang babae habang nakatulala pa 'rin dun sa abs ni Jayden. Kiniblit niya ang mga kasama niya at sinenyasan na ipasingit si Jayden. To our luck, mga babae ang kasama nung kinausap ni Jayden kaya madali lang malinlang. Kinindatan pa niya ang mga ito dahilan para lumukot ang mukha ko.

Matagumpay kaming nakapunta sa counter habang todo pa 'rin ang tingin nila kay Jayden. Yucks, what's so special about this childish man?

"Miss...", tawag niya sa babaeng nasa counter.

Napatingin ito kay Jayden habang kumikinang ang mga mata. First time ba nila makakita nang gwapo? Pumunta kaya sila ng Crimson Academy, madami doon gwapo.

"Yesh shir?" Pagpapabebe ni Ate.

Napailing-iling nalang ako habang pinapanood ang nakakadiring pangyayari. "Dalawang chocolate sundae in a cone.", siguro may split-personality disorder ito? Kanina lang isip-bata tapos ngayon parang malanding lalaki.

Pabebe pa nitong ibinigay kay Jayden ang dalawang Ice Cream, at ng makita niyang ibinigay saakin ni Jayden ang isang ice cream, bigla itong napasimangot. Palihim ko nalang tinawanan ang pag mumukha nito.

"Libre mo?", tanong ko sa kanya nang ibigay niya ang isang ice cream saakin.

"Libre ko?", kunot-noo nitong tanong dahilan upang mapawi ang malapad na ngiti sa labi ko. "Ikaw kaya ang manglilibre saakin. Sinama-sama mo ako sa mall eh. Sige, bye~!", binelatan pa ako nito at tumakbo palabas ng Dairy Queen.

"Hoy! Ulupong ka! Bumali---", napalingon ako sa paligid at nagpeace sign sa mga taong naiirita sa boses ko. Wala na akong magawa kung hindi ay magbayad nalang at saka lumabas na din ng Dairy Cream.

Bwiset, hindi ko naman sinabing sumama siya sa mall. Siya ang nag volunteer sumama tapos ang kapal ng mukha niya na ako ang pagbayarin ng ice cream? Linibot ko ang paningin ko at nahuli itong papasok nang World Of Fun kaya sinundan ko.

"Andito ka lang palang ulupong ka!", nagiinit na ang ulo ko dahil sa inis. Bakit ko ba kasi ito nakilala?!

"Ay andito ka na pala hehe. Nakalimutan ko kasing may kasama pala ako.", palusot niya sabay kamot sa batok niya.

Inirapan ko nalang ito at nakitang bumibili pala siya ng tokens. Pagkatapos niyang bumili ng tokens ay pumasok na ito ng tuluyan. May pambili nang tokens pero pambayad sa Dairy Queen wala?!

Nakasimangot lang ako habang nakabuntot dito. Para akong yaya nang isang bata na tuwang-tuwa dito sa loob ng world of fun. Linibot niya ang kabuohan ng world of fun at pumipili kung ano ang unang lalaruin.

"Ah! Ayun!", tumakbo ito papunta sa larong basketball at akala ko dito siya mag lalaro pero sa katabi pala ng larong basketball.

Sumakay siya dito na ikinangiwi ko.

"Bakit ka sumakay diyan?! Alam mo bang pambata yan?!", naiinis kong sabi sakaniya habang tinitignan ang paligid. Nakakahiya sa mga tao!

Tumango naman siya. "Eh sa gusto ko dito eh!", nagpout pa ito.

NAKAKAHIYANG KASAMA ANG LALAKING ITO.

Mas isip bata pa kaysa sa tunay na bata! Sumakay lang naman siya sa maliit na kotseng kulay pula. Eh pambata to eh! Pwede naman siyang manghiram nalang kay na Tita nang isang kotse! Dito pa talaga?!

Linagyan niya ito ng token at nagsimulang umandar na.

"Wieeee~...", masayang tugon nito habang hawak-hawak ang manobela. Natampal ko nalang ang sarili kong noo. Ang totoo? Ilang taon na ba itong lalaking ito? "Yehey~...broommm broommm..."

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon