Leighton Academy

22.4K 541 14
                                    

"Insan, tara na~", kinaladkad ako ni Jayden at ni Rose papunta sa kinakatayuan ni Andrei na naghihintay saamin.

"T-Teka lang hindi pa ako tapos makipagusap sa mga kaklase ko.", sabi ko sa dalawa na hinihila na ako papalayo sa mga kaklase ko.

"Bye Chelsea!", pamamaalam nang mga kaklase ko saakin. Hindi tuloy ako nakapagpaalam nang maayos!

"T-Teka lang kasi-"

"Ihh! Ang tagal tagal mo gutom na tummy ko.", nagpout pa ito.

"Let's go.", pormal na sabi ni Andrei at sabay kaming apat pumunta nang Cafeteria.

"Hoy ano tinitingin-tingin niyo diyan!", nabigla ako nang yakapin ako ni Jayden habang naglalakad kami. Sinamaan nito nang tingin ang grupo nang mga lalaki na nakatingin saakin. "Kainin ko yang mga eyes niyo hmp!"

Natawa nalang kaming tatlo nang magsitaasan nang mga kamay ang mga lalaki na para bang ayaw nila nang away. Seriously? Isang buwan palang ako dito sa Leighton Academy pero sobrang saya ko dahil lahat sila ubod ng bait. Wala naman makalapit saaking mga lalaki kasi sinisipa ni Jayden ang mga pwet nila kung sakaling may lalapit saakin na lalaki.

Compared to Crimson Academy, Leighton Academy claimed me as a part of them. Leighton is more enjoyous than Crimson.

Pero kapag naaalala ko ang Crimson Academy, hindi ko maiwasan hindi malungkot kahit isang beses man lang. Halos araw-araw talaga akong napapaisip kung okay lang kaya sila noong nalaman nilang umalis ako nang walang paalam? Hindi kaya sila galit saakin? I even miss the days when we go together at the Cafeteria and Training Hall. I've missed how would Yessa yell at me early in the morning just to wake up a sleepy-head.

Kahit anong pilit kong kalimutan sila, hindi ko kaya. Nang dahil sa kanila ay marami akong natuklasan na mga bagay, sila ang unang naging pamilya ko pa 'rin dito sa Elemental Realm.

Would we all we meet again?


●●●

"Woi usto ko yung chicken wings hihi. Sabi ni Insan pag kumain ako noon, makakalipad ako."

Wala pa 'rin pinagbago si Jayden sa loob nang isang buwan, yung utak niya kinakarera pa 'rin ang pagiging bobo.

Nagorder na kami at umupo na sa isang bakanteng mesa. Hindi katulad nang mga gintong upuan na inuupuan ko sa Crimson Academy, dito sa Cafeteria nila, tinuturi nilang pantay-pantay ang isa't-isa. They don't even have VIP seats or what.

Linatak ko kaagad ang bulalo at ang fried chicken na nasa plato ko gamit ang kamay ko. Hanggang ngayon nawiweirduhan pa 'rin sila sa style nang pagkain ko pero wala akong pake. Ganito ako kumain kapag gutom na gutom ako.

"Uhh so... we're off to training again. You'll go with us right, Chelsea?", tanong ni Rose. Noong una napakapormal nito pagdating saakin pero habang tumatagal ay nawawala na ang pagkapormal niya. Natutuwa nga ako dahil ipinapakita niya saakin ang tunay niyang kulay.

Napatingin ako sa mga ito na nakatingin saakin na para bang naghihintay nang sagot ko. "Hmmm... ushige.", sabi ko sa mga dito habang lumalamon.

Sa loob nang isang buwan hindi ko 'rin sinayang ang bawat araw at oras nang pag tretraining ko kasama sila. It was pretty hard at first, but my body is getting hang of it because on how they all teach so well. Especially, Rose who seems to be a valkyrie whenever she fights.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon