Official Crimson Student

32.4K 926 20
                                    

Wala pang dalawang oras ay nakabalik na kami sa dorm namin. At hindi makakaila na nakakapagod nga kapag buong araw mong hinangaan ang eskwelahan na ito.

May babae ditong pumunta at nagbigay 4 sets of uniform at iba pang kakailanganin ko. Color dark red 'rin ang binigay saki'ng uniform pero walang cloak. Siguro sa Dexra Team lang iyon.

Angas pa naman tignan pagnakacloak. Parang si Hahrri Potah with british accent.

May nakaipit din na letter sa uniform na ibinigay sakin kaya binasa ko ito ng madalian at saka linagay sa bulsa ko.

Walang kwenta naman yung nakalagay doon eh.

Charot. Nakalagay doon yung section ko. A-1.

Nadatnan ko siyang nanonood sa sala kaya tumabi ako dito.

First impression ko sakaniya? Maarte din katulad ng iba. But when you met her? She's way too far from it.

However...

"Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko dito habang sinasabayan siyang manood ng scooby doo.

Hindi ko alam na abot hanggang dito ang network. Wala kasi akong nakikita dito ng any source of signal.

"Ooppss... my bad. Ako nga pala si Laila Yessa.", linahad nito ang kamay niya sakin . Tinanggap ko naman 'to.

"Jade Chelsea.", Sabi ko sabay ngiti.

Mas maganda 'yung pangalan niya kaysa saakin. Nakakainggit.

"Okay! From now on, i'll call you chels. Okay ba?" Nakangiting tanong niya sakin. Tumango nalang ako.

Chels.

Natawa nalang ako.

She immediately gave me a nickname. Cute. Pero napakafeeling close.

"Uhhmm, pwede magtanong?" Tanong ko sa kanya.

"Nagtatanong ka na..."

Inirapan ko naman ito.

"Ano ba kasi yun?"

"Kailan ba magsisimula ang classes dito?" Tanong ko.

Hindi sinabi ng Headmistress sakin eh. Dapat pati sched and start of classes ay ibinigay niya na 'rin.

"Ay naku! Last month pa. Saang section ka ba?" Tanong niya.

"A-1 yung nakalagay sa letter...", saad ko. Ngumiti naman ito ng malapad na dahilan upang magsitaasan ang balahibo sa aking mga braso.

Ang creepy eh.

"Oh God! Pati section?! Magkaparehas tayo?! Yiiee!!" Sabi niya habang tumatalon-talon sa kaniyang kinauupuan.

Okay, is it just me or she's being a little overreacting?

Tumigil naman ito at napaisip. "Pero bakit ka sa A-1 pinapasok ni headmistress?" tanong niya sakin.

"I don't know. Bakit? Big deal ba sainyo kung sa A-1 section linagay ang isang transferee?"

Napaisip ito ng malalim, "Well oo pero...", she stopped for a few seconds and snapped her fingers. "Aha! oo nga pala noh? Siguro dahil wala ng available na classroom kaya sa A-1 ka nalang linagay. Oo yun..." aniya.

"Tara na. Matulog na tayo. May pasok pa bukas di ba? ", alok ko sa kanya na ikinatango niya.

"But we're supposed to eat first. Let us go to the cafeteria. ", sabay kaladkad niya sakin.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon