It's Time

23.2K 547 20
                                    


"Sumunod ka pala.", saad ni Rose habang pabalik na kami upang hanapin sina Andrei at Jayden.

Hindi naman ako makaimik dahil sa sobrang hiya. Baka kung ano ang isipin ni Nathan dahil sinusunod ko sila! Sana naman hindi. Hindi ko aakalaing dahil sa sobrang kahihiyan, gusto ko nalang ipatapon ang sarili ko sa tuktok ng bulkan.

"Bakit mo kami sinundan?", tanong nito habang nakatuon ang atensyon sa unahan.

Sasagutin ko ba? Pero ano naman ang rason ko? Na nagtataka lang ako kung anong sasabihin nung tumira saakin kay Rose?

"H-Hindi ko kasi alam na magkakilala pala kayo.", sabi ko habang nakatingin sa lupa.

"Bakit? Magkakilala ba kayo ni Tantan?", parang napintig ang tenga ko dahil dito at agad na tinignan ito.

Did she just give him a nickname? NICKNAME? TANTAN? AS IN TANTAN KAHIT HINDI NAMAN SIYA TAN SKIN?

"What?", natatawang tanong nito nang makitang nakatingin ako dito nang matagal.

"W-Wala. Hindi ko kasi alam na magkakilala pala sayo ni N-Nathan.", I mumbled.

"Oh. We're in a relationship for 5 years already.", mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

Seryoso? Limang taon na silang magjowa pero bakit tinira ako nung jowa niya? Tangina. Nangtitira kahit may jowa na. To think that hindi man lang sinabi saakin ni Nathan na may jowa na siya! Kaya ba noong nahuli ko siya sa Floral Garden na umiinom, dahil ba 'yon kay Rose?


"A-Ahh.", sabi ko nalang. Kung nababasa sana ni Rose ang utak ko, paniguradong nasa lupa na ang mukha ko dahil sa mga pinagiisip ko.

Pero magkaibigan pa 'rin kami ni Nathan kahit nangyari na 'yon saamin diba? Ang tanga ko kasi nagpalinlang sa isang hampaslupa na cheater!

"Yes. Medyo mahirap para saamin dahil taga-Leighton ako at taga-Crimson siya. But the circumstances we've been through are nothing compared to our bond. Our bond is stronger than anyone else's."

"Pano kung sabihin kong tinira na ako ng bebe mo?", gusto ko itong sabihin sakaniya pero ayoko naman nang away! Kaya mas minabuti ko nalang na hindi sabihin.

"Ano ba sana paguusapan niyo?"

"Hmm? Tungkol ata 'yon sa away namin noon. Pero matagal na 'yon. I think 5 months ago."

Magsasalita pa sana ako nang biglang may yumakap saakin kaya napakunot-noo ako. "Waah! Insan saan ka ba nanggaling?! Huhu nag-alala ako.", humihikbi na sabi ni Jayden.

Iniwan ko lang naman ito saglit tapos pagbalik ko humahagulgol na. "Ang OA mo! Sumama lang naman ako kay Rose."

Hinigpitan nito pagkayakap saakin at pinanlakihan ko ito nang mata dahil suminghot ito sa damit ko. "Ihh~ dapat sinasama mo ko ket saan hmp."

Inirapan ko nalang ito at napadako ang tingin sa likuran niya. Nakatayo si Andrei at halatang may malalim na iniisip. Tinawag naman ito ni Rose at sabay kaming pumunta nang Training Ground upang mag training.




Hesly's POV


"I have a good news and bad news.", sambit ni Charles at umupo sa upuan habang kumakain naman kami.

"Hmm?", tanong ni Lorraine dito.

"Good news, nakita na ang vial blood ni Mnemosyne.", para namang nabuhayan kami dahil sa sinabi nito.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon