Exist

27K 729 22
                                    

"How about you, Chelsea? Ano gusto mo?", tanong saakin ni Carlo.

Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria at nagpapasalamat ako dahil wala si Quinn. Yung babaeng nagreklamo kasi palagi akong nakaupo sa mga upuan ng Dexra Evenfall. Tanging kami lamang nina Carlo, Nathan, Hesly, Lorraine, Charles, at Jason ang naririto ngayon.


"Uhmm, pwedeng salad nalang? At crèpe!", sabi ko sa waitress. Isinulat naman nito ang order ko saka umalis na. Matagal-tagal na 'rin akong hindi nakakakain ng gulay kaya wala namang masamang kumain ulit ng gulay.


Consider it as my diet also.

Si Carlo naman, binebaby ako porke't nagkabati na kami. Sobrang nakakailang 'rin kasi dikit siya ng dikit saakin. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante. Malay ko bang sikat 'rin siya dito.

"Thank you, Chels! Kung hindi dahil sayo, hindi namin mahahanap ang vial blood ni Mnemosyne.", pagsasalamat saakin ni Hesly. Tumawa naman ng mahina si Lorraine.

Napairap ako sa ere, ano ba ang problema niya saakin?

"Bakit ba nakatago 'yang vial blood ni Mnemosyne sa isang secret passageway?", nagtatakang tanong ko.

"We would not give such informations from a mere---", nagsasalita sana si Lorraine nang putulin ito ni Hesly.

"Hmm, kahit kami hindi namin alam kung anong kailangan ng spellcasters sa dugo ni Mnemosyne. At dahil nakatago sa isang secret passage ang dugo ni Mnemosyne, for sure it was really important.", pagpapaliwanag ni Hesly.

Napatango-tango naman ako at nginitian sila. "Buti nalang at nakatulong ako sainyo."

"Oo nga, ang cool mo talaga, Chelsea!", binigyan ako ng thumbs up ni Charles kaya napangiti nalang ako. "Pero... saan mo pala nakuha ang Sacred Book?"


Natigilan ako saglit at napatingin kay Nathan. Nakaungko lang ito sa mesa at hindi ko alam kung nakikinig ba siya o tulog. So hindi niya pa pala sinasabi kay na Charles?


"Ah eto?", sabay pakita sakanila ng Sacred Book. "Nakita ko lang ito sa ilalim ng bookshelves. Kung saan ni Jason natagpuan yung button para mabuksan ang passageway.", naliwanagan naman ang mga ito at napatango-tango.


"Ang tali-talino talaga ng chelseababes ko!", saad ni Jason. Sasabihin ko sana sakanila na si Nathan ang nakahula nung passageway pero sumingit si Lorraine.


"Ang ibig sabihin ay natagpuan mo lang 'yan sa ilalim ng bookshelves?", mahinang tanong ni Lorraine. Nagaalinlangan akong tumango. "So you weren't the one chosen by the book itself.", she conclude as she gave us her usual smile.


Hindi ko alam kung maooffend ako, "O-Oo."


"Then let me have it.", diretsahang sambit nito.


Saglit naman akong natigilan pero agad 'rin nakabawi. Gusto niyang makuha ang Sacred Book?


"P-Pero...", i'm not sure if i'll let her take it. She seems destructive in my own perspective.


"Hindi naman 'yan sayo diba? Kaya ibigay mo na muna saakin.", she smiled sweetly.


Those smiles. Deceiving smiles. Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko si Lorraine dahil pakiramdam ko may mangyayaring masama kapag binigay ko ang libro.

At biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kay na Nathan at Yessa nang hawakan nila ito. It would drain her magic powers.


"Lorraine, hindi ordinaryo---"

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon