Pond

24.3K 563 11
                                    


It was just like what Rose said, Leighton Academy is purely majestic! Hindi ko maiwasan na hindi ikumpara sa Crimson ang Leighton, they are both gorgeous! Mas malaki nga lang ang Crimson pero hindi magpapatalo ang Leighton sa texture at decor nito. The students also look so peaceful as they wave their hands giving me a warm greeting.

I also met this nerd guy named Andrei. He greeted me with a formal greeting just like what Rose did awhile ago.

"There's a pond here at the back of Leighton Academy and I would be happy if I could bring you there, but unfortunately, the Head is now waiting for presence in her office.", seryosong sabi ni Andrei at inayos ang glasses niya.

Napangiti naman ako dito, hindi mo aakalaing ang presidente nang student council ay may itinatago 'rin palang hiya. Halata dito dahil sa pamumula nang magkabilang pisnge niya. "Okay lang! Pagkatapos kong makausap ang Head, punta tayo doon!", binigyan ko ito nang thumbs up na ikinabigla niya.

"And I, too will come.", maangas na sabi ni Rose pero ramdam ko ang pananabik nito.

Natawa nalang ako sa mga inaakto nila. Masyado silang pormal pero ramdam mo ang pananabik nilang makilala ang isang transferee. Dumiretso na kami sa office habang nakaakbay saakin si Jayden. Sa tuwing may nadadaanan kaming lalaki na tumitingin saakin, sinasamaan niya ito nang tingin kaya natatawa nalang ako.

Ganito ba siya kaover protective sa nawawala niyang pinsan?

Kahit si Andrei napagkakamalan kaming magjowa eh.

Matapos kong makilala ang Headmaster nila, medyo naweirduhan pa ako dahil hindi katulad ni Headmistress, itong isang ito ay masyadong exaggerated. May disorder ata ang isang ito eh.

Hinintay ako nina Jayden, Rose, at Andrei sa labas ng office ni Headmaster. Nagtatanong sila kung anong sinabi saakin ng Headmaster, ang sinabi ko lang ay binati lang naman niya ako at binigyan nang dorm key. Pero pinakiusapan ko nang doon nalang ako kay Jayden at sinabi ko nalang na magpinsan naman kami at hindi kami pumapatol sa incest. Mabuti nalang nga at pumayag.

"Masaya ako dahil may kaibigan kaming bago, ubod pa nang ganda!", hinampas ni Rose ang likod ko at halos mabali ito dahil sa sobrang lakas niya.

Tangina babae ba talaga ito?

"Y-You're a part of us now, so don't hesitate running to us if you need anything.", nauutal na sabi ni Andrei. Ano ba ito? Trying hard maging pormal sa harap ko?

Siniko naman ito ni Jayden, "Uyy nahihiya siya HAHAHAHAHA."

"I am not.", nandidilim ang mukha nito habang nakatingin kay Jayden. Napakamot nalang ako nang ulo at iniba ang topic.

"Nasaan ba ito yung pond?", tanong ko sakanila. Siguro nahahalata nilang sobrang excited ako dahil hindi mabura ang ngiti sa labi ko. Sino ba naman ang hindi maeexcite kung makakakita kang Lake pond? Malay ko bang sobrang ganda pala nang kanilang Pond dito.

"Hihi malapit na tayo doon~"

Mas lumapad ang ngiti ko nang dahil sa sinabi ni Jayden, para akong bata na ilang taon na hindi nabigyan nang masarap na pagkain.

Umubo naman si Andrei. "Chelsea..."

"Ha?", Napatingin naman ako dito.

"Jayden told us that you were his niece and you were from Crimson Academy.", tumigil ito saglit. Parang hindi niya ginusto nang banggitin niya ang Crimson Academy dahil sa biglang pagsingkit nang mga mata nito. "Why were you transferred here?"

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon